Tula? Kanta?

Aug 25, 2015 00:39

Pagnanais na hindi ko nais
Ngiti mong nakakainis
Wala ng kailangang mamagitan sa atin
Pag-ibig pa ba 'to kung tinitiis?

Haplos na laging hinahanap
Ikaw na nga ang pangarap
Iilang saglit pa lang magkasama
Masasabi ko ng ikaw ay tadhana

Kung puwede lang sabihin ang pangalan mo
Bawa't segundo, ibubulong ko
Pero buntong-hininga lang ang kaya ko
Hanggang pagmuni-muni lang ako

Pahingi na lang ng yakap
Galing sa 'yo, o pangarap
Dampi ng iyong mga labi
Mula ngayo'y itatanggi

tagalog, poem, poetry

Previous post Next post
Up