Jun 23, 2008 07:17
malas talaga kapag masmahalaga ang isang tao sayo kesa ikaw sa isang tao, diba? haha.. pero naconfirm ko na. ganun nga ung kaso. so... tuturuan ko nalang sarili ko na tiisin at tanggapin 'to, kasi un lang ung alam kong gawin na hindi ako mawawalan ng kaibigan.
pero kanina pa ako gising. di nanaman ako nakatulog kasi kausap ko sya. pero willing ako. di ko alam kung bakit kapag nasasaktan ako ng isang tao, lumalapit parin ako. kahit man matagal o iilang sekundon'g nakalipas.
sabi nya, kung meron akong gustong baguhin, kung gusto ko pang humingi (ng ano? pagmamahal? corny.), tanongin ko nalang daw sya. pero parang ang yabang ko naman.. haha... hindi nga ako gaanong kaimportante sakanya, hihingi pa ako ng atensyon. feeling? hehe.
kunwari nalang masaya. kunwari nalang na ok ang lahat, kahit man hinde at gusto ko pa umiyak. sayang lang ung enerhiya ko, diba?
parang ganun kasi ung buhay. :)
o, kitams. lumabas ung araw at mainit na ngayon.
kahit man, wala parin kaming pasok. yehey.
eta: actually nga, matagal na nyang hindi sinasabi ung 'mahal kita' na hindi jokejoke. ung pag 'mamahal' na pinapagusapan ngayon is more of, parang 'may pakialam' lang.
friends,
tagalog,
love and lackthereof