A Day In My Boring Life

Apr 16, 2004 23:00


Feeling ko that I'm a walking zombie. Alam mo yung feeling mo na kulang ka sa tulog na may kahalong pagod. For the past few days kasi eh I started working on the microbial tests. Syempre, party to the max with the different microorganisms. I assure you na nakakapraning ang work na un.

Tapos lately nag-iinarte ang mga tau-tao sa trabaho. Kanina ala Survivor yung nangyaring sagutan between my two co-workers. Syempre ako na takot sa conflicts eh umupo lang sa kinauupuan ko, tumingin sandali, at balik sa pagsusulat sa lab notebook. Mahirap na baka madamay pa ako. Besides, masyado akong busy with my beloved bacteria.

All day long I was hoping na sana Monday na at ng matawagan na si Mean. Kasi ba naman, nagpunta na ng SeaWorld dito sa San Diego eh di man lang nagparamdam ang aking "Mahal" . hahaha! Mean, kung nababasa mo ito, gusto ko lang na mabatid mo na di pa ako nakakabili ng singsing para sa ating "plano". Pagdating na pagdating mo sa LA, maghanap ka agad ng lugar kung saan isasakatuparan natin ang mga bagay-bagay. Ingat ka palagi, "Mahal". hahaha! Bilis na ng magamit ko na yung disposable digital camera na binili ko pa last january.

Anyway, mukha talaga akong timang ngayon. Naaalala ko tuloy yung times na nag-aaral ako late at night before for my exams trying out a lot of things that would help me keep awake. Favorite ko pa noon yung Fuse sa Channel 11. Kung hindi ka kasi jologs na gaya ko, yun yung show na puro music videos pero sa gilid ng screen eh may chatroom via mms sa celphone. Aliw ako basahin ang mga walang kwentang text message ng mga tao. Hayang may mga taong nagpapahayag ng kanilang pag-ibig sa mga sexbomb dancers na sina rochelle, jopay, izzy, monique, atbp. Pasensiya na kasi di ko memorize lahat.

Gusto po sana dagdagan ang entry na ito pero pagod na talaga ako. Wait, before I leave, MEAN EXPECT MY CALL ON MONDAY NIGHT! :)
Previous post Next post
Up