Jul 13, 2008 16:09
Matapos ang isang linggong puspusang pagbabasa ng History of Peloponnesian War ni Thucydides ay hindi ko parin sigurado kung makakasagot ba ako sa patayang recitation ni Sir Dennis.
"Political Science students bleed too." Yan nalang ang nasabi ko habang nagbabasa ako ng pagka hirap hirap na librong yun. Kung totoo yung sinasabi nilang kapag nahihirapan magproseso ang utak ay ikaw ay magnoNOSEBLEED, Nako, patay na ako ngayon.
CAUSE OF DEATH: Excessive blood loss.
Ewan ko ba, sa tuwing bubuksan ko ang librong yun, parang nanginginig ang mga kamay ko at parang gustong iitsa sa nagsulat. Siguro dahil sa 467 ang pahina ng librong yun, eh nasa page 9 palang ako (sino nga naman ang hindi tatamarin noh). Kung may mas titindi pa sa BLOW by BLOW account, yun na ang adjective na gagamitin ko sa pagdescribe ng librong yun.
At habang nagpapatayan ang mga Lacedaemonians at ang mga Athenians. Kasalukuyan namang nagdidiskusyon si Joseph Campbell at Bill Moyers sa kung anong opinyon nila sa "KALIGAYAHAN" na dapat ko ring ireport sa Lunes.
Nakisali pa sa masayang salo-salong ito si Felix Hidalgo na nagpinta ng La barca de Aqueronte na dapat kong pagaralan at usisain. Alamin ang istorya sa likod ng larawan ika nga ni Doctor Hornedo. BANGKA NI CHARON nga naman oh.
ale!