utangin ko buhay mo, sa kulungan ko na lang bayaran!

Aug 09, 2004 22:47

last saturday, tumugtog ang banda ni rin sa richmond hotel para sa birthday ni britney spears(hinde ko alam yung name pero yun kasi yung costume niya). actually it was a debut/costume party/gig na talagang sosyal, me and rin dressed up as tado and erning. siyempre panalo na naman dahil sa umaapaw na pagkain at nagbabahang inumin, sulit! astig naman yung set ng death by tampon, pumalo sa kanila si jovie (drummer ng matilda) nadagdagan ng texture yung mga kanta tapos lakas pa pumalo. andun din yung giniling festival nakacostume ng mudvayne hehe(kuhang-kuha nga eh), patok na patok yung style nila sa mga tao dun. umuwi akong busog at pagod pero solb!

xxxxxxxxxxxxxxxxx

nagtext din sa kin out of the blue yung kaibigan ko na si zoltan (na dating pumapalo sa apollo creed kaso pumunta sa tsina upang buhayin ang kanyang pamilya), andito na pala siya sa pilipinas at nagyayayang uminom. baka sumama siya sa min sa jamming ng apollo sa wed, hehe masaya to...
Previous post Next post
Up