merry effing krismas! ooh wee.

Dec 25, 2004 16:08

here's a rundown of my radcore week.

24th friday - krismas eve. sa bahay namin idinaos ang handaan. maraming
pumunta kamag-anak at mga kaibigan. naglaro kami ng mga pinsan ko ng nba live
2005, walang makatalo sa kin. hehe. pagdating ng alas-dose bukasan ng mga
regalo. saya.

23rd thursday - dumating galing ng US ang katropa ko nung high school upang
magbakasyon dito. inuman, kainan, piktyuran at tawanan kami. andun din halos
lahat ng katropa ko nung hayskul kaya parang reunion na rin.

20th monday - nagbakasyon kami ng mga kapatid ko sa bulacan kung saan ipinagdiwang
namin ang maagang christmas party na handog ng aking tatay. merong mga
palaro para sa mga bata tulad ng pabitin, palayok, atbp. at meron ding
pa-raffle sa mga tauhan ng tatay ko. makikita mo sa mga mata nila ang
nadarama nilang galak sa kanilang mga puso, a truly jose marie chan moment.

lahat ay umuwi ng busog at may premyo pa, san ka pa? o ha, o ha!?

sarap uminom ng red & white wine at chardonnay, swabeng-swabe...

18th saturday - our second year anniversary rocked like whoa. hehehe...

17th friday - went and saw the lantern parade. nagustuhan ko yung mga float na
ginawa ng FA, filipino halimaw mythology theme ginawa nila. kinumpleto
ang lahat ng mga elemento, meron pa ngang mga entities na dun ko lang nalaman
tulad ng bangungot, bungisngis, etc. nakita rin namin sa parade sina goldie.
nung kinagabihan may gig naman DBT sa FA. nakita rin namin yung kiko machine,
bangis nung gitara nung bokalista nila pinuri nga ni ulak eh.. dimebag ba naman
ba yung gitara eh.

nakita ko rin dun yung kaibigan ni franco (dapat naming kukuning
drummer sa apollo bago siya naglaho) sabi niya na makakalaya na daw siya galing
rehab. kaya siya napunta dun dahil nahulihan siya ng tatay niya magdoobie kya
mahigpit daw yun kaya pinadala kagad sa rehab.
Previous post Next post
Up