Feb 14, 2007 18:29
tagal na pala ng huling post ko dto 1 year and 4 months @_@ hindi naman ako totally nawala sa blogging meron akong isa pang journal and un ang updated. cguro nga lang un ang masasabi kong tagong journal ko talaga kasi dun ko nabubuhos ang mga problema ko. Once in a while nag-lologin din ako dto para mabasa ang mga journal ng mga friends ko. kaya active pa rin naman ito bihira nga lang ako mag-post @_@
Anyway Happpy Valentines sa lahat although durog na durog ang puso at mugto na mugto ang mata ko ngayon at wala akong kagana-ganang magtrabaho eto ngiti pa rin, kanina ko pa gusto mag-megamall manood ng sine at uminom ng kape para naman gumaan ang dinadala ko sa dibdib ko at medyo makalimutan ko ang mga bagay na gumugulo sa utak ko kaso as always ung paalam ang pinakamahirap na parte ~_~ Hindi kasi ako puwedeng mag-day off sa dami ng dapat kong gawin, Hirap na hirap akong i-budget ang kita ng shop dahil sa #%%#!@# na tax na yan sagwa ng pasok ng taon ang mahal ng tax tapos ang dami pang dapat bayaran sa City Hall :\ sana patnubayan ako ni lord at makasurvive uli ako this year at umabot ako next year.
Hanggang saan ba ang dapat mong tiisin para sa isang tao? sapat na bang dahilan ang mahal mo sya para tangapin at tiisin mo ang lahat ng sakit na binibigay nya sa iyo?
Sana masaya ang araw na ito sa inyo.