BURADO

Dec 03, 2009 11:27

Panay ang tilamsik at tilapon ng mga letra sa malinis na pahina. Bawat lapat at pindot ng sampung daliri ay nanganganak ng salita. Isa. Dalawa. Tatlo. Pangungusap na pala. Walang malay kang nakakabuo ng talata’t talinghaga. Walang malay kang nakakahulma ng diskurso’t argumento. Patuloy mong pinaiindak ang iyong mga daliri sa tugtugin ng iyong isipan. Babalikan at babasahin ang naisulat. Huhusgahan. Hahatulan. Ctrl A. Delete. Nasa simula ka na naman.
Previous post
Up