AGA MUHLACH IN DA HAWZ!

May 22, 2009 14:01


May shoe endorsement ba si Manny Pacquiao? Meron. May pain reliever endorsement ba si Manny Pacquiao? Meron. May sports drink endorsement ba si Manny Pacquiao? Meron. May mobile network endorsement ba si Manny Pacquiao? Meron. E may chichiria endorsement ba si Manny Pacquiao? Wala! Si Aga Muhlach meron.



Move over Boy Bawang

Isa na namang katawa-tawang produkto ng isang local food company ang chichiriang ito. Isa na namang malinaw na katunayan sa kakulangan sa originality ng mga Pilipino. Mukhang hindi na naman pinag-isipan. Kung ano na lang unang pumasok sa kukote. Bahala na moves. Tamad na nga kumilos, tamad pa mag-isip. Akalain mong nakagawa pa ng chichiria base sa popular na manok ng Jollibee? Iniba lang ‘yung spelling: mula Chicken Joy ginawang Chick N’ Joy.

Pero malinaw naman na hindi ‘yung pangalan ‘yung laptrip. ‘Yung mukha ni Aga Muhlach ang nakakatawa! Hindi ko masyado maipaliwanag kung bakit ako natatawa. Siguro dahil hindi ko lang talaga na-imagine kahit ga-bulbol man lang na mapa-plaster ang mukha ni Aga Muhlach sa mumurahing chichiria. Sobrang out of place. Parang Sasquatch na nagba-bike sa Baguio o kaya matinong congressman sa Pilipinas. In a more coñotic and artistic phrasing: it’s so surreal!

Hindi na kailangan pa ng philosophical analysis ni Rene Descartes kung bakit mukha ni Aga Muhlach ang nilagay sa packaging. Sa dami ng Chicken Joy commercial ni Aga Muhlach, na-associate na ang pagmumukha niya dito. Maituturing na ngang redundant kapag nagsuot siya ng Jollibee costume e. Taun-taon, may bago siyang Chicken Joy commercial kung saan ipinamamalas niya ang world-class Aga Muhlach brand of acting: kung makahawak ng manok akala mo kamay ng syota ang hawak. Nakangiti pa tuwing kumakagat at ngumunguya. Sinong ungas ang ngumingiti habang kumakagat o ngumunguya ng pagkain? Si Joker lang siguro. Well, tsaka si Aga Muhlach, apparently.

Isa na naman itong blatant copyright infringement ng maliliit na kumpanya dito sa Pilipinas. Ipupusta ko ang milyun-milyon kong nunal sa katawan (kasama na ‘yung dalawa sa ilalim ng bayag ko) na hindi nagpaalam ang ASY Food Corporation kay Aga Muhlach na gagamitin nila ang poging-poging post-Bagets niyang litrato sa chichiria nila. Pero ok na rin kasi at least hindi nabayaran si Aga Muhlach ng siguradong malaking talent fee-isang bagay na hindi na niya kailangan dahil marami na siyang pera. At isa sa pinakakinaaasaran ko ay mga taong may excessive wealth.

Naisip siguro ng mga may-ari ng ASY na “kinuha na natin ‘yung pangalan e, bakit hindi na rin natin isama ‘yung endorser?” Kung magnanakaw ka nga lang naman, ‘yung complete package na. Sino ba naman ang engot na magnanakaw ng TV tapos hindi pa isasama ‘yung remote control? Pero kung iisipin, parang mali rin ang pagpili ng ASY kay Aga Muhlach. Sino lang ba ang bumibili ng tigpi-pisong chichiria? Mga bata. Kasama ba sila sa audience demographics ni Papa Aga? Hindi. Masyado pang inosente ang mga bata para ma-hypnotize o ma-tempt ng sacrosanct na mukha ni Aga Muhlach. So in effect, hindi rin sila mae-entice bumili. Kung mukha sana ni Santino ang nilagay nila, edi siguradong panic buying ang mga chikiting.

Although ‘yung mukha ni Doc Aga nga ang nagtulak sa akin para bumili ng Chick N’ Joy kahapon sa tindahan malapit sa opisina, binili ko ‘to for exactly the opposite reason: para kutyain ang endorser na supposedly magpe-persuade sa akin na bilhin ang produkto dahil gusto ko siya. Ako pa nga ang pinakaunang bumili dahil ako ang unang bumawas sa supot. Isang pagpapatunay na hindi talaga siya appealing sa mga bata (maraming bata na naglalaro sa may tindahan). Wala nang laman ‘yung balot sa picture kasi pilit ko nang kinain. Pakiramdam ko kamukha ko na rin si Aga Muhlach. ‘Yun siguro ang nutritional value niya: mas popogi ka at makakadagit ka rin ng chickas na kasing ganda at talino ni Charlene Gonzalez. Nakakabagabag nga lang talaga kung bakit lasang keso ang Chick N’ Joy (kalasa niya ‘yung tigpi-pisong Cheesedog na chichiria). Wala ka talagang malalasahang manok kahit kasing sensitibo pa ng Cueshe ang tastebuds mo.

Pero to be fair, logical naman ang pagpili ng ASY sa Chick N’ Joy bilang pangalan ng kanilang chichiria. Halos lahat ng bata ay gusto ang Chicken Joy ng Jollibee, at sa paggamit ng ASY sa Chick N’ Joy, iniisip nilang makakagoyo sila ng bata na marahil ay iisipin na lasang Chicken Joy nga ang chichiria. Nakasandal sila sa gullible at unpolluted na utak ng mga musmos. Masama man pakinggan, nina-nice fake nila ang mga bata. Pero hindi ba ganun naman talaga ang goal ng mga marketing strategy? Gawin ang lahat para maloko ang target market sa pagkonsumo. All’s fair in love, war, and commercialism.

Para tapusin na ang malabnaw na entry na ‘to, hihiram ako ng isang inspiring quote na talagang nagtahi sa kultura ng ating bayan at nagbago sa pananaw nating mga Pilipino: “Isa pa, isa pang Chick N’ Joy!”
Previous post Next post
Up