1. Matindi pa rin ang hangover ko sa aming matindi at magulong pag-iikot sa Camarines noong Holy Week.
2. Gusto ko ng napakalamig na Red Horse at napakalutong na sisig na may itlog.
3. Pangit pala talaga ang pakiramdam kapag ikaw ang tumira ng last shot tapos hindi na-shoot.
4. Maganda pala talaga ang Mayon Volcano (kahit sa malayo ko lang nakita).
5. Sana buhay pa si Jeff Buckley para may tsansang mag-collaborate sila ni Jose Gonzalez.
6. Panalo ang philosophy na
ito ni Slavoj Žižek na nakuha ko kay Bimbo.
7. Nagsusulat pala ng food/restaurant reviews si Armi Millare para sa Philippines Free Press.
8. Hindi marunong maging pangit si Emmanuelle Chriqui.
9. Kadalasan misunderstood ang genuine initiative bilang pagiging lider-lideran.
10. Mas bulok pa sa mga basura sa Payatas ang NBA Fantasy ko ngayong taon.
11. Salamat naman at medyo naka-adjust na rin ako kahit papano sa C/S Origin (manood kayo ng Medium tsaka ng Law & Order).
12. Bakit ba parang takang-taka at diring-diri ang ibang tao kapag sinabi mong hindi ka pupunta sa Boracay ngayong summer?
13. Sino pang may alam na bilihan ng matitinding DVD maliban sa Hidalgo, Metrowalk, at St. Francis Square?
14. Alam ko medyo luma na siya pero sino pa rin ang mabait na magreregalo sa akin ng Sex, Drugs, and Cocoa Puffs: A Low Culture Manifesto ni Chuck Klosterman?
15. “Ang sarap mong ihawin…ipalamon sa mga pating...wala kang silbi…wala kang silbi sa amin!”
16. Gusto ko na magpa-tattoo ulit pero wala pa rin talaga akong maisip na logical at sensible na design.
17. Kawawa naman si Ted Failon.
18. No cigarette stick tally: 86 days and counting.
19. Hindi ako makadesisyon kung sasali ako sa paluwagan dito sa opis.
20. Subukan niyo bilangin kung ilang beses niyo maririnig ang mga salitang “ang init” sa loob ng isang araw.
21. Ipupusta ko ang lahat ng brief ko na matatalo si Brian Viloria sa Linggo.
22. Kasing hirap i-figure out ng Egyptian Hieroglyphics ang pagpupursigi ng ibang babae na magkaroon ng tan lines.
23. Gusto ko maglagay ng maliit na inflatable swimming pool sa kuwarto ko.
24. Saguijo naman diyan!
25. ‘Di na dapat talaga kinukuha ang pay slip dahil madidismaya ka lang kapag nakita mo ang halaga ng kaltas sa suweldo mo.