My sentiments, too, actually:
Kakagaling ko lang sa parangal kay Ka Fort, yung lider ng unyon ng mga manggagawa sa Nestle. Pangulo rin sya ng kung anu-ano pang samahan sa Southern Luzon, basta pang-manggagawa.
Okay so naiyak ako. At nagalit ako ng todo.
PUTANGINA. Gusto kong magwala.
Retirement benefits. Supreme court na mismo dati pa ang naghayag nyan. At putangina naman, matapos mong huthutan ng pwersa, ng lakas-panggawa para magpayabong, itatapon mo na lang ng parang basahan kapag matanda na? TANGINA KAYO. Ito yung mga taong direktong lumalahok sa produksyon, na kung wala sila wala ang mga putanginang produktong naibebenta, nilalamon nating mga burgis, pinagkakakitaan ng kapitalista. WALANG NIDO WALANG KITKAT WALA WALA WALA. Tapos putanginang retirement benefits na nakasaad sa batas WALA RIN?
DAHIL YUNG TRUST FUND NA PINAGKUKUNAN NITO GINASTOS PARA SA MAS MALAGOM NA PAGNENEGOSYO!!!!!
June to November, 2002. 27 negotiations. WALANG NANGYARI. Nagdesisyong magwelga kahit mahirap. 2002 PA TO MGA KASAMA. ANONG PETSA NA???? TATLONG TAON NA WALA PA RING NANGYAYARI!!!
Malala pa nyan -- matinding paggamit ng lakas ng militar, PAMAMASISTA. Sa isang dispersal na lang na ginawa noon (na napanood ko sa video), 100 mahigit ang nasugatan! PUTANGINANG MGA PULIS KUNG MAKITA NYO WALANG KALABAN-LABAN YUNG NAGPIPIKET KUNG MAKAPANGHAMBALOS ANG MGA PUTANIGNA. Tapos eto pa, mapayapang nagtitipon at nagpipiket yung mga manggagawa, (lalaban malamang kung gamitan ng dahas), karapatan nila yun eh, tapos ano kasabwat ang putanginang gobyerno, nag-imbento pa ng criminal cases sa mga manggagawa at ngayon BLACKLISTED SILA SO HINDI SILA MAKAPAGAPPLY SA KAHIT ANONG PABRIKA. Hindi nga sila mabigyan ng NBI clearance eh!!
Yung mga anak nila syempre tigil sa pag-aaral, mga asawa kung saan-saan namamasukan. ILAN NA ANG NAMATAY SA KAWALAN NG MEDISINA AT DEPRESYON. IMAGINE MAMATAY KA SA DEPRESYON.
Yung mga nagtatrabaho ngayon kontraktwal na para wala na talagang benefits.
Tapos ito na nga. Nung Thursday lang, Septemeber 22, si Ka Fort galing sa piket line, nagtext si misis na kelangang dalhin sa ospital yung apo nila, habang papa-uwi binaril. DALAWANG BALA TUMAGOS SA DIBDIB AT PUSO.
Sa panahon lang ni Gloria, 119 na ang napapaslang SA SOUTHERN TAGALOG PA LANG.
PUTANGINAAAAAAAAAA.
Pero kagaya nga ng laging idinidiin, itong pamamasista ng estado, hindi ibig sabihin na lumalakas sila. Desperate measures na yan ika nga. Ibig sabihin nagigipit na sa pagkilos ng mga tao. KAYA KUNG MAS LALO PA TAYONG LALAWAK AT LALAKAS, TULUYAN DIN NATING MAPAPAGBAGSAK ANG MGA KAPUTA-PUTAHANG YAN SA TAAS.
Yang kapitalistang Nestle na yan, tangina nila. BOYCOTT NESTLE. Isipin nyo na lang sa bawat produktong ipapadaos nyo sa sistema nyo, ilang pwersang inabuso ilang buhay na tinaya.
BOYCOTT NESTLE!!!
+pakipost na lang sa blogs nyo itong panawagang BOYCOTT NESTLE.
Katarungan para kay Ka Fort at para sa lahat ng naging biktima ng terorismo ng estado!!
PASINTABI SA MGA MATATALAS NA SALITA. DERE-DERETSO LANG AKO SA PAGTYPE AT AGITATED NA AKO SOBRA.
In other news:
rawr!