"I heard there was a secret chord that David played."

Apr 27, 2014 23:55

This is an assignment for my Filipino class. For anyone who doesn't understand Filipino--which is to say, everyone not including my professor, there is nothing to see here uwu

--

image Click to view



Isa sa mga kanta na pinaka-tumatak sa isipan ko at nakaapekto sa akin ay ang kantang 'Hallelujah' ni Leonard Cohen. Nagandahan ako sa tinig na ito, ang lyrics, at parati kong kinakanta ko ito noong ako ay nasa mataas na paaralan nang mahanap ko ulit ang kantang ito. Ngunit hindi ang orihinal na mang-aawit ang naririnig ko sa utak ko, kung hindi si Jeff Buckley, dahil mas tumatak ito sa akin sa sitwasyong ginamit sa kantang ito. Ang sitwasyon na pinag-uusapan ko ay isang eksena--isang montage--sa pelikulang Shrek.

Marami pang mga kanta na nakakatatak sa isipan sa Shrek, bahagi dahil nakakatatak ang mga salita at tinig at bahagi dahil sa sitwasyong tinugtog ang kanta. Ang mga halimbawa nito ay 'All Star', 'I'm a Believer', 'I'm on My Way', 'Bad Reputation', at iba pa. Maraming mga kanta dito ay masasaya at upbeat at may pagka-pop ang tunog ngunit mayroon ring mga iba. Marami talaga ang mga kantang tinugtog sa pelikula. Sabi ng IMDB, 19 ang mga kantang tinugtog sa unang pelikula ng Shrek (22 sa sequel, 27 sa Shrek 3, 23 sa Shrek Forever After). Ngunit bakit ba ganito karami ang kantang maririnig sa pelikula? Bakit ba kailangang tumugtog ng kahit anong kanta sa pelikula na ito?


Importante ang musika sa isang pelikula. Tulad ng kantang Hallelujah, kaya nitong idiin ang mga damdamin sa eksena at ang iniisip ng tauhan. Marami ang gamit ang musika sa isang pelikula, pagpapakita ng nararamdaman ng tauhan, pagdidiin ng drama, pagtatatag ng mood ng eksena, at iba pa. Kasama ang musika sa elemento ng pelikula dahil malaki ang epekto nito sa kuwento at sa cinematography. Kung sasabihin sa Ingles, it can make or break the film. Kaya itong umagaw-pansin sa mga manonood at kaya nitong gawing mas invested ang mga manonood, katulad ng kantang 'All Stars' ng Smash Mouth.

image Click to view



Ngunit sa kabilang dulo, pwede ring itong isalamin ang papel ng musika sa buhay natin ngayon.

Mahalaga ang ang musika sa ating buhay. Maraming dahilan ang mga tao kung bakit nagiging importante ang musika sa kanilang buhay. Kung titingnan lang ang webpage na ito, mayroon ng mga iba't ibang dahilan.

“Music is important because it can describe people, places, movies, or animals that words can’t. Without music, the world would have a hard time understanding other things.” - B. P.

“I play a lot of video games, so I hear a lot of music with it. I may not notice, but the music provides more depth to the situation.” - M. M.

“Music isn’t important in my life, it IS my life. From flute, to piano, to guitar, it pretty much controls my life. In the case of the world, it unites it with happiness and continues and tells histories of civilization.” - S. P.

“Without music, our life would be very, very boring. It’s something that every culture has in common, no matter what.” - L. K.
“Music is an outburst of the soul.” - I. B.

Sobrang halaga ng musika sa maraming tao, tulad ko. Kahit man hindi ako kasing-lakas ng pagpapahalaga ko sa musika kung ikukumpara sa maraming tao na nakakasama ko, hindi ko kayang isipin mabuhay ng walang musika sa aking buhay. Tulad ng sinabi ng maraming tao sa webpage, dito ako mas nakakaramdam at nakakalabas ng aking kalooban. Kaya nitong apektuhan aking aking damdamin at kaya nitong bigyan ng ibang perspektibo ang isang sitwasyon.

Sinasalamin ng paggamit ng musika sa pelikula ang hiling ng maraming tao na makarinig ng background music sa kanilang buhay, ang hiling na maipalabas ang ating kalooban at gawin ito gamit ang isang bagay na mahalaga sa atin. Gusto natin maipakita ang ating perspekitbo nang lubos at kung kayang ipadiin at ipakita ang damdamin ng tauhan ng musika sa pelikula, bakit hindi sa totoong buhay?

::other:: hw

Previous post Next post
Up