'Wag kayong mag-uuwi ng trabaho

Oct 03, 2007 20:28

Sino ang nag-uuwi ng trabaho?

Pangkaraniwan na sa mga empleyado ang mag-uwi ng trabaho sa bahay na kadalasang pinag-aawayan ng mga mag-asawa. "Maghapon ka na ngang wala, pag-uwi mo wala ka pa ring panahon sa amin ng mga anak mo." 'yan ang kadalasang linya ng partner mo.

Oo nga naman, dapat balanse lang ang buhay... me panahon sa trabaho at me panahon sa mga mahal sa buhay. yan ang dapat nating sanayin... balanseng buhay para sa masayang pagsasama!

Naalala ko tuloy ang kapit-bahay namin. Tahimik lang sila.... masaya, at
palagi kong naririnig na nagtatawanan. Nguni't isang araw nagulat ako sa aking narinig.... iyakan ng mga bata, galit na galit na nanay.

"Walanghiya ka bakit ka nag-uwi ng trabaho dito?"

"Pasensya na hon, ang daming trabaho baka di ko matapos e, kailangang mai-deliver na agad mga to."

Sa loob loob ko, minsan lang naman ata nag-uwi ng trabaho, di pa pinagbigyan.

Tuloy pa rin ang sigawan, iyakan.... lubos na akong nabahala kaya kinatok na namin sila." Sir, sir, okay lang ba kayo dyan? Binuksan ng babae ang pinto at galit na galit na nagsumbong sa kin..... "Hay naku, 'tangna tong pare n'yo, nag-uwi ng trabaho dito sa bahay ." Sabi ko, intindihin n'yo na lang po, minsan lang naman ata ginawa eh,baka sobrang dami lang talaga ng trabaho nya ngayon at me deadline.

Galit na galit ang babae na sinagot ako... "Ay 'tangna, alam n'yo bang embalsamador ang asawa ko?"
Previous post Next post
Up