at dahil timang lang...
TITLE: TRIP
LANGUAGE: Filipino
GENRE: AU
RATINGS: PG
DISCLAIMER: The only thing i own in this story is the plot...
SUMMARY:
Boy meets girl, simple lang di ba?
Pano pag boy is in love with another girl habang may other boy na naghahabol kay girl na una?
Mas komplikado pero same old, same old.
Eh pano kapag meron pa to?
Boy and girl are set to marry each other?
Saya, di ba!
(Sana… haaayz!)
This is a story of love.
Finding it, realizing it, and keeping true to it.
Dahil iba pa rin talaga pag ang puso ang nag-trip...
CHAPTERS:
Chapter1,
Chapter2,
Chapter3,
Chapter4,
Chapter5,
Chapter 6,
Chapter7,
Chapter8,
Chapter9,
Chapter10,
Chapter11,
Chapter12,
Chapter13,
She’s certainly feeling uneasy, that one’s for sure, especially matapos siyang mapatitig sa mga mata ng lalaki. In the middle of the pool with no ability to swim clinging to a guy who, for the past few days, has gotten the ability to get under her skin, she certainly has the right to. At nariyan pa ang katotohanang kahit pa technically speaking ay tinatakot siya ng lalaki, there’s this tiny voice inside her head whispering weird thoughts, weird thoughts like:
‘Okay lang dito lang tayo, nag-eenjoy naman akong kasama ka eh.’
And before Bea could do or think anything to regain her sanity, nagsalitang muli ang lalaki.
“Mas mabait ka kasi sa akin kapag nasa tubig tayo eh,” Angelo said at kahit naman walang halong panunumbat ang tono ng lalaki nang sabihin nito iyon, it hit Bea dahilan para lalong hindi siya makasagot.
And before she could come up with anything to say, or Angelo for that matter, that little world that engulfed them the moment Bea came up from underwater and clung onto him burst.
“Ang sweet naman!” came the teasing tone of a familiar voice.
Turning around, bumulaga sa kanilang dalawa ang nakangiting pinsan ni Angelo na tila tuwang-tuwa na pinanonood sila sa gilid ng pool. Ni hindi nila napansin ang pagdating o ang paglapit ng lalaki.
“Elmo!” bulalas ni Angelo pagkakita sa lalaki bagaman hindi nagbago ang hitsura nito o nagpakita ng kahit na anong senyales ng pagkakagulat kung sakaling nagulat nga talaga ito. “Anong ginagawa mo dito?”
“Bumibisita lang,” kibit-balikat ni Elmo, bakas pa rin ang amusement sa mga mata nito. “Nakakadistorbo nga lang ata ako,” dagdag pa nito sabay ngiti ng nakakaloko.
Ramdam ni Bea ang pag-init ng kanyang pisngi sa implikasyon ng sinabi ng lalaki lalo pa nang nakita niyang ibinalik muli ni Angelo sa kanya ang mga paningin nito sabay tanong
“Sa tingin mo?”
-----
“Hindi ko alam kung papaano ko ide-describe ang timing mo pinsan,” natatawang nailing na ani Angelo na noo’y naka-ahon na habang pinapanood nilang magpinsan ang papalayong pigura ni Bea, balot ng tuwalyang inabot rito ni Elmo pagka-angat na pagka-angat nilang dalawa.
Other than thanking the guy, tumalikod na ito at diretsong pumasok sa bahay, wala nang ibang sinabi pa.
“Mukha nang nag-eenjoy ka eh,” kantyaw lang ni Elmo sa kanya.
Angelo threw his cousin a sort of mischievous grin saktong nawala sa paningin nila ang dalaga.
“Hindi naman…” tawa nito “masyado.”
“Teka nga,” dugtong ni Angelo nang tumawa lang si Elmo sa tinuran niya. “Don’t tell me pumunta ka dito para lang icheck kami?” When Elmo simply threw him a look, he snorted “Si Lola?”
Hindi na itinangka pang itago iyon ni Elmo.
“Worried lang naman si Lola, and a little bit curious,” sagot nito. “Siyempre, baka mamaya, nagpapatayan na pala kayong dalawa ni Bea dito, hindi pa namin alam.” When Angelo simply shook his head in a mix of exasperation and amusement, Elmo continued “Pasalamat ka nga at she’s still giving you guys the privacy you need. Just imagine how it would be if Lola decided na tumira dito kasama ninyong dalawa.”
Angelo turned to his cousin and looked at him seriously for the first time since he arrived. And then he chuckled.
“Come to think of it, I have a lot to be greatful for,” aniya. Elmo grinned.
-----
“Heto…”
Laking gulat na lamang ni Bea nang biglaan niyang marinig iyon mula sa kanyang likuran, apparently, hindi pa rin tapos ang mga gulatan at surprise appearances sa buhay niya para sa araw na iyon.
Except that it wasn’t really so much as surprise that filled her the moment she heard that familiar voice.
Nasa terrace siya noon, tahimik lang na nakatingin sa mga bituin. She wasn’t really in the mood to sleep yet, not that she thinks she could sleep immediately, most probably she’d just toss and turn in her bed all night kapag humiga siya agad. For all appearances sake, she looked like she was deep in her thoughts, pero ang totoo, kanina pa lumilipad ang isip niya.
Ni hindi nga niya sigurado kung may iba pang sinabi ang lalaki bago ang katagang iyon. Paglingon niya rito, malamang nga mayroon dahil nakita na lamang niya naka-taas ang kanang kamay ng lalaki na tila ba inaabot sa kanya.
Nagtatanong ang mga matang tumingin siya sa lalaki lalo pa dahil wala siyang maisip na gagawin sa kamay nito.
“Ano yan?”
“Alam ko inis ka pa rin sa nangyari kanina,” sagot ni Angelo. “Kaya hayan, gawin mo lahat ng gusto mo, balian mo ako ng buto kung gusto mo. Hindi ako lalaban.”
Natigilan si Bea sa nakita at sa narinig. There was a mix of emotions going through her at that very moment; nothing negative though. Natawa siya na na-touch sa sinabi at sa in-o-offer ng lalaki.
Touched siya na inaalala pa ng lalaki ang maaaaring naging reaksyon niya sa nangyari sa kanila nang tanghaling iyon gayong maaaari naman nitong ipagbalewala lamang. Pero kung tutuusin, hindi naman siya inis o galit sa lalaki. Na-realize din niya kasi na for the past couple of days ay nagiging masyado na siyang masungit rito.
Pero natawa naman siya sa naisip nitong paraan para sana pagaanin ang pakiramdam niya, lalo pa sa huli nitong sinabi.
“Para namang kakayanin mo nga ako kahit pa lumaban ka,” biro niya rito.
Napangiti rin si Angelo sabay kamot ng batok gamit ang kaliwang kamay, hindi pa rin nito binabawi ang kanang kamay nito sa pagkaka-offer nito sa kanya.
“Oh sige,” anitong natatawa pa din. “Hindi na lang kita sasampahin ng serious physical injuries. Sige na…”
Napaptitig lang muna si Bea san aka-alok nitong kamay bago tumaas ang sarili niyang kamay hindi para gawin ang sinabi ng lalaki kundi para dahan-dahang itulak pababa ang kamay ng lalaki.
“Huwag na,” aniya. “Na-realize ko, masyado nga rin naman akong naging masungit sa’yo these past few days.”
Honestly, she wasn’t expecting anything from the guy matapos niya iyong sabihin, mostly dahil hindi naman niya alam kung ano ang pwedeng i-expect kaya nagtaka na lang siya nang makita niyang napatitig sa kanya si Angelo. Hindi naman ito mukhang namamalikmata bagkus ay nakakunot ang noo nito.
“Wala na tayo sa tubig ah,” ani na lamang nito kapagkuwan at noon lamang naintindihan ni Bea kung bakit ganoon ang reaksyon nito. “May sakit ka? Baka nagdedeliryo ka diyan?”
Napailing na lang si Bea bago sila sabay na napatawa.
“Huwag ka nang bumanat,” anito. “Baka magbago pa isip ko.”
-----
There was almost a spring to his step nang gumising si Angelo nang araw na iyon. Part of the reason maybe because he had quite a good rest pero hindi niya maikakaila, sa sarili niya lalo, na may kinalaman ang magandang gising niya at maging ang pagkakaroon niya ng magandang tulog sa nangyari sa pagitan nilang dalawa kagabi ni Bea.
Pero hindi naman siya umaasa ng milagro. All Angelo was expecting that some things would be changing between the two of them.
Pero hindi kabilang dun sa expectation na iyon ang makita niya sa dining area ang babae pagkababang-pagkababa niya. Bea didn’t even look like she just came from her usual early morning jogging and exercise routine. Nakaayos ito, and it wasn’t an outfit for a day at the mall. Naka-semi-casual attire ang babae.
“Good morning!” Bea greeted him as he tried his best to not let his jaw drop at the sight of the woman at the dining table. Saying na nagulat siya does not entirely cover it, part of it covers his amusement at the sight of the woman na mukhang engganyong-engganyo sa pagkain. “Kain na!”
“Ahm, sure,” tangi na lamang nasabi ni Angelo na napaupo na lang sa tapat ng babae.
Truth be told, hindi siya masyadong nagbre-breakfast. Kadalasan ay humihigop lang siya ng mainit na kape na kadalasan pa nga ay hindi niya nauubos bago siya umalis. Marami na nga siyang narinig na sermon kay Aling Ruby tungkol sa ugali niyang iyon pero dahil na rin nga sa naksanayan na niya, hindi na niya iyon mapalit-palitan.
Except that he felt like taking breakfast the moment he saw her at the table.
Maya’t maya ay napapatingin pa rin siya sa babae habang ikinukuhanan niya ang sarili ng pagkain. And it was something that was left unnoticed.
“Bakit?” nagtataka na natatawang tanong ni Bea nang tignan niya ulit ito matapos ang una niyang subo.
He had to swallow hard bago niya natatawang nasagot ang babae.
“It’s just that, well, never tayong nagpang-abot sa breakfast,” aniya. “Anong meron?”
He saw Bea smile.
“Actually, sinadya ko talaga to,” she said much to his surprise, pero lalo pa niyang ikinagulat ang sumunod na sinabi nito. “Gusto ko sana kasing humiling ng pabor.”
One of his eyebrows arched before he could stop himself. He wasn’t expecting that.
“Anong pabor?” aniya.
“Medyo nabo-bore na kasi akong wala masyadong ginagawa dito sa bahay,” simula ni Bea. “So, well, I was wondering kung okay lang ba na sumama ako sayo sa opisina. I mean, I am a Business Administration graduate.”
The moment Bea said favor, never na in-expect ni Angelo na tungkol doon ang hihilingin ng babae. He was half expecting her to mention mall or out of town or something of that sort kasama si Barbie.
“Pero 20 ka pa lang,” he pointed out, remembering how it was when he was at that age, si Josh nga na lagpas na sa edad na iyon ay ayaw na ayaw pa ring pumasok sa opisina.
“21 magtu-22 na nga di ba,” Bea corrected. “Tsaka hindi ko naman hinihiling na bigayn mo ako ng position or trabaho eh,” dagdag nito. “Gusto ko lang mag-observe kung papaano mag-handle ng business and all that, for research.”
“You’re planning to put up your own business?” bagaman gulat ay nahinuha pa rin ni Angelo sa sinabi ng babae. The woman certainly is surprising.
Bago pa man makasagot si Bea, napukaw na ang atensyon nila sa biglang pagtili ni Aling Ruby na mukhang kalalabas lang ng kusina.
“Bakit po?” halos sabay pa nilang nag-aalalang tanong ni Bea.
Mukha namang hindi nahalata ang pag-aalalang iyon ni Aling Ruby dahil maliban sa hindi nito sila sinagot, nanlalalki pa ang mata nito na nakatingin kay Angelo.
“Tama ba itong nakikita ko?” tanong pa nito na hindi mahinuha sa itsura kung gulat o natutuwa. Itatanong pa lang sana ni Angelo kung nang yari saan nang idagdag nito “Sa wakas! Sa tinagal-tagal kong pamimilit sayo na mag-breakfast muna bago pumasok, ngayon lang kitang nakitang kumain ng agahan!”
Natatawa man ay napangiti na lang si Angelo na hindi naiwasang sumulyap kay Bea.
Pero hindi iyon alintana ni ALing Ruby dahil kay Bea naman ito bumaling sabay sabing “Hija! Ikaw na ikaw na talaga! Hulog ka ng langit!” sabay yakap sa babae. Nagtataka na natatawa man ay niyakap na rin lang ni Bea ang babae.
Saglit lang din iyon dahil mayamaya ay kumalas na rin si Aling Ruby bago nagmamadaling bumalik sa kusina. Tangi na lamang nilang narinig mula sa babae ang mga katagang “Magdadagdag ako ng putahe, this calls for a celebration!”
Nagkatinginan na lang sina Angelo at Bea pagkarinig niyon and Angelo couldn’t help but feel all light and calm, not his usual demenaor for Monday mornings.
Then, Bea smiled.
“So, pumapayag ka na?”
-----TBC-----
dahil adik lang kahapon... :D