TITLE: TRIP
LANGUAGE: Filipino
GENRE: AU
RATINGS: PG
DISCLAIMER: The only thing i own in this story is the plot...
SUMMARY:
Boy meets girl, simple lang di ba?
Pano pag boy is in love with another girl habang may other boy na naghahabol kay girl na una?
Mas komplikado pero same old, same old.
Eh pano kapag meron pa to?
Boy and girl are set to marry each other?
Saya, di ba!
(Sana… haaayz!)
This is a story of love.
Finding it, realizing it, and keeping true to it.
Dahil iba pa rin talaga pag ang puso ang nag-trip...
CHAPTERS:
Chapter1,
Chapter2,
Chapter3,
Chapter4,
Chapter5,
Chapter 6,
Chapter7,
Chapter8 Chapter 9
Hindi namalayan ni Bea ang oras the moment sumakay siya sa passenger’s seat ng sasakyan ni Angelo matapos nilang ihatid si Joy sa bahay ng mga ito.
In the first place, on the way to Joy’s house ay hindi na niya nahalata ang oras. Makuwento kasi si Joy kaya mabilis na dumaan ang oras. Pero hindi na kuwentuhan ang dahilan kung bakit hindi niya napansin ang oras nang sila na lang ni Angelo ang nasa sasakyan.
Maybe it was because she was tired. Maybe it was because of the alcohol. Or simply, maybe both because she found herself dozing off the moment na inihilig niya ang kanyang ulo sa side mirror. Subconciously ay napansin niyang naipit sila sa traffic at na nagpatugtog si Angelo ng slow music. She even thought she heard him singing pero hindi siya sigurado. She was already half asleep anyway.
-----
Angelo found her sleeping form quite endearing.
Kaaalis-alis pa lang nila kina Joy ay nahalata na niya ang pananahimik ng babae.
Originally, he thought na naiinis lang ito sa kanya dahil sinabihan niya itong masungit earlier pero nang lingunin niya ito minsang mag-red light ay nakita niyang nakapikit ang mga mata ng babae. He woudn’t even be lying when he says she looks peaceful. Naka-relax lang ito and somehow, it felt to him like she trusts him.
His Uncle Raymart, ang daddy ni Joshua, once told them na hinding-hindi matutulog ang isang babae, nakainom man o hindi, in a car when she’s alone with a man in it, unless malaki ang tiwala niya sa lalaki. It had nothing to do with being harmless, ani pa nito, pero sa trust. Iyong tiwala ng babae na hindi siya pababayaan ng lalaking kasama sa sasakyan.
And that thought, although unproven sa case na iyon, made Angelo feel nice.
Other than that, nakagaan din sa pakiramdam niya na makita lang ang babaeng ganoon, na parang relax lang ito sa presensiya niya. Siya rin naman kasi, kahit papaano, nasasanay na siyang naroroon ito. And somewhere between the traffic they got stuck in to, in-on na lang niya ang radio at nagpatugtog.
He felt like singing pero hindi niya malakasan. Baka kasi magising si Bea.
But when they reached the house, he needed to actually wake her up. Inalog niya ito ng bahagya matapos ilapit ng konti ang sarili sa babae.
-----
Bea felt as though she was being rocked lightly.
She can’t remember that they reached the house already so she knew that she was still at the car. Akala nga niya dahil lang iyon sa galaw ng sasakyan pero nang maramdaman niyang may kamay na nakahawak sa braso niya at presensya sa kanyang tabi, she knew that it wasn’t because of car movement.
For someone trained in wushu, first defense dictates her to raise her hands the moment she feels an unknown presence sa ganoong klaseng mga pagkakataon. Pero the moment na iminulat niya ang kanyang mga mata, she found herself mesmerized by the most beautiful pair of eyes she had ever seen.
It took her a couple of seconds more before she realized kung kaninong mata ang tinitignan niya kaya napa-atras siya bigla, not that she went far, with her feeling the material of the car door touching her back.
“Oh, okay ka lang?” narinig niyang tanong ni Angelo na umayos na rin sa pagkakaupo. “Nagulat ba kita? Pasensiya na ha.”
Bea blinked for a few more times bago niya ipinilig ang kanyang ulo.
“Naka-idlip ako? Sorry ha,” bulalas niya.
“Nakatulog ka nga eh,” tawa ni Angelo. “Nandito na tayo sa bahay.”
Turning around quickly, she realized that he’s saying the truth. Nang ihilig niya ang ulo niya kanina sa side window, wala talaga siyang intension na matulog. She just felt comfortable with the guy.
“Pinalipad mo ba ang kotse?” natatawa niyang tanong lalo pa’t nakita niyang nagmamadali at tila tuwang-tuwang lumabas si Aling Ruby para salubungin sila.
“Hindi ah,” tawa rin ni Angelo. “Nag-enjoy ka lang siguro sa pagkanta ko.”
“Kumakanta ka?” hindi makapaniwalang bulalas ni Bea.
She saw him doubling back and shaking his head a bit bago nito binawing “Hindi!”
After that, Bea, or even Angelo didn’t have a chance to say anything, lalo pa dahil naabutan na sila ni Aling Ruby.
“Kayong dalawa, pinag-alala ninyo ako ha! Hindi nyo man lang sinabi sa akin kung saan kayo papunta!” simula nito. “Nagulat na lang ako nung sabihin sa akin ni Wally na...”
Bea could only help but smile as she alighted from car kasabay ni Angelo habang tuluy-tuloy na nanenermon si Aling Ruby. But at the back of her mind, she couldn’t help but question why the sudden retraction? Anong issue sa pagkanta ni Angelo at bigla nitong binawi na ginawa nga nito iyon.
She couldn’t really say if he was good or not. Ni hindi nga sure sigurado na talagang narinig niyang kumanta ang lalaki.
But considering Angelo’s reaction, he could have really sang at the car, and she’s really curious on the relevance of singing in the guy’s life.
-----
“Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi mo,” kunwa’y pambabalewalang ani Angelo sabay abot sa isa sa mga folders na nasa mesa niya.
Nasa office siya noon and was going about business as usual when he found himself busy with something other than business. Bigla kasing nagpakita ang isang tao for the moment ay alam niyang sinasagad muna ang panahon habang hindi pa siya kailangang mag-trabaho sa building nilang iyon.
“Oh come on! Stop denying and stop acting as if hindi mo alam ang sinasabi ko! Sa dinami-dami ng beses na tinawagan kita o tinext na nasa isang bar o club o party kami ni Kris, ni minsan, hindi ka pumunta. Never kang nagpakita. And I understood, I always understood. Sabi mo nga dati, mas kuntento ka na lang na nag-gi-gitara. Tapos kahapon, tinext lang kita na nakita ko sina Bea sa bar, bigla ka nang dumating?! That must have meant something!”
“Fine!” tumatawang bulalas ni Angelo na itinaas pa ang kamay, tanda ng pagsuko. “May ibig sabihin yun. Happy?”
Nakita niya kung paano napangisi si Josh sa sinabi niya. Pero bago pa man makapagsabi ng kung ano ang lalaki, mabilis niyang idinagdag na “Nagpapasundo siya.”
The smile that was about to rise to his cousin’s lips was immediately quelled as Josh ended up snorting before he finally smirked.
“Jek, tigilan mo ako,” anito. “Kung talagang iyon lang ang dahilan, dapat si Mang Wally na lang ang ipinadala mo para sunduin siya! At dahil na rin ikaw ang sumundo, may ibig sabihin iyon! Iba na ang ibig sabihin niyon!”
“Huwag mong bigyan ng kulay iyong ginawa ko,” natawang iling ni Angelo. “Fine, puwede ngang si Mang Wally na lang pinapunta ko dun pero nandoon na rin lang ako at wala rin lang naman akong ginagawa kaya ako na ang pumunta. Iyon lang yun, nothing more, nothing less.”
“Di nga?” halatang hindi naniniwalang ani Josh na nakataas pa ang kilay. “So ano iyon, tinext ka niya na nagpapasundo o ikaw ang nagtetext sa kanya na nagtatatnong kung anong oras siya uuwi?” medyo natatawa-tawa pa nitong tanong.
Angelo shrugged. Bea never texted him and he never texted her. In all honesty, noon lang niya narealize na never niyang kinuha ang number nito o ibinigay ang personal cellphone number niya rito. It didn’t feel like a great need kasi dati, lalo pa dahil lagi rin lang naman na kasama nito si Mang Wally at nasisiguro naman niyang kokontakin siya agad ng nakatatandang lalaki kapag may nangyari. At saka mabilis din naman siyang makokontak ni Aling Ruby pagdating sa mga maselang sitwasyon.
But Josh’s question and what happened the night before prompted him to get Bea’s cellphone number the very next opportunity he gets, malamang sa pag-uwi niya.
With that at the back of his head and a whole lot of work in front of him, distracted na talaga siya nang sagutin niya ang tanong ng kanyang pinsan. Sinagot na lang niya ito na hindi na inisip kung ano ang maaaring maging interpretation nito sa kanyang sinabi. Well, at least he was being honest.
“Si Mang Wally.”
“Wait! What?!” bulalas ni Josh. “Si Mang Wally ang tinext pero ikaw ang pumunta?! And you’re saying na walang kulay iyon? Really?! At ine-expect mo na maniniwala ako sa’yo? Come on, pinsan, give me a bit of credit here. I’m not that gullible. Aminin mo na lang kasi na nagkakainteres ka na sa magiging future wife mo!”
“Ang ingay mo, para kang babae!” ani na lang ni Angelo na narealize na rin, a little too late, kung ano ang implikasyon ng isinagot niya sa lalaki.
Josh guffawed. “I never thought I’d live to see the day na magblu-blush ka insan!” kantyaw nito. “Seryoso, namumula ka!”
Angelo was not about to take Josh’s jokes seriously, kahit pa ramdam din naman niya na medyo nag-iinit siya.
“Tigilan mo ako,” iling na lang niya habang kunwa’y binalikan ang trabaho.
From behind him, he could hear Josh snorting at his actions. He even thought he heard him whisper “In denial ang loko” pero hindi na lang niya iyon pinansin.
“Okay, prove it to me,” anito mayamaya. “Kung talagang wala nga iyong ibig sabihin, lumabas tayo this weekend.”
“And what is that going to prove?” kontra ni Angelo na nilingonulit ito.
Josh shrugged. “Na hindi lang si Bea at ang concern mo sa kanya ang dahilan kung bakit ka pumunta sa club nun. At saka ipa-isip mo naman sa akin na may kakayahan pa ako bilang pinsan mo na kumbinsihin ka.”
Doon na natawa si Angelo. Naiiling man ay tinanong na rin niya “San ba?”
Ngumiti na si Joshua. Pero bago pa man makasagot ang lalaki ay may narinig silang mahinang katok mula sa pinto na sinundan din agad ng pagbukas nito.
It was Alexis.
“I knew I saw you kanina!” bulalas ng babae the moment she entered Angelo’s office with a couple of papers in her hands.
“Kumusta na?” nakangiting tanong ni Joshua. Hindi pa man kasi ito pumapasok bilang empleyado sa opisina ay kilala na nito ang mga tao doon.
“I’m good, I’m good,” sagot ni Alexis saka ito bumaling kay Angelo at inabot ang mga papel. “Promo proposal para sa upcoming holiday season, baka pupuwedeng tignan mo muna bago namin ipresent sa board.”
“Sure,” nakangiting sagot ni Angelo sabay abot sa papel.
“So, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Alexis kay Josh habang binabasa ni Angelo ang kaabot lang sa kanya. “I thought you were supposed to be allergic of this place until next year?”
“I am!” tawa ni Josh. “Pumunta lang ako dito para ayain itong isang to na lumabas sa Sabado.”
“That’s good!” ani Alexis. “Masyado nang tutok tong si Angelo sa trabaho eh. Saan naman ang lakad?”
“There’s this place near Tagaytay na alam kong pupuwedeng puntahan,” ani Josh.
“The one that opened early this year?!” Alexis exclaimed. “Oh my God! I’ve always wanted to go there kaso wala akong kasama.”
“If you want, you can join us,” balewalang aya ni Josh, prompting Angelo to suddenly look up.
Tiyempo namang nilingon siya noon ni Alexis and she asked “Okay lang ba?”
Nangiti lang si Angelo na napakibit-balikat.
-----TBC-----
this took long...
lol...
pasensya na...
masyadong maraming nangyari....