TITLE: TRIP
LANGUAGE: Filipino
GENRE: AU
RATINGS: PG
DISCLAIMER: The only thing i own in this story is the plot...
SUMMARY:
Boy meets girl, simple lang di ba?
Pano pag boy is in love with another girl habang may other boy na naghahabol kay girl na una?
Mas komplikado pero same old, same old.
Eh pano kapag meron pa to?
Boy and girl are set to marry each other?
Saya, di ba!
(Sana… haaayz!)
This is a story of love.
Finding it, realizing it, and keeping true to it.
Dahil iba pa rin talaga pag ang puso ang nag-trip...
Chapters:
Chapter1,
Chapter2,
Chapter3,
Chapter4 Malapit na malapit na talagang mag-init ang ulo ni Angelo nang sa wakas ay marating ng sasakyan ang VIP parking ng main building ng kanilang kompanya. Dahil kasi sa pinaghalu-halong dahilan ay heto’t male-late siya sa pagpasok.
Una kasi ay nagdesisyon siyang pagbigyan na lang si Bea na pumunta doon sa gym na sinabi nito sa kanya. Ida-drop off na lang siya nito at ni Mang Wally sa opisina bago tumuloy ang mga ito sa gym. Papasundo na lang siguro siya o magco-commute para umuwi. Ang kaso nga lang ay hindi niya agad nasabi iyon sa babae kaya kanina lang nang breakfast niya ito nasabihan.Kaya tuloy ay kinailangan pa niyang maghintay para makapagpalit si Bea. Hindi naman niya sinisisi ang babae dahil siya naman ang may kasalanan kung tutuusin. At saka mabilis pa nga si Bea na nagpalit matapos niyang sabihan ito.
Ang problema nga sa umaga ni Angelo ay wala siyang masisisi sa nagbabadya niyang init ng ulo.
Dahil ang sumunod na nangyari ay naipit naman sila sa traffic nang magkaroon ng banggaan sa nag-iisang daan na pwede nilang lusutan para maka-diretso siya ng opisina. Buti na nga lang si Mang Wally ang nagdri-drive noon at hindi siya dahil hindi niya alam kung anong maaaring gawin niya sa inis niya. At buti na rin lang at kalog ang lalaki kaya napagaan nito kahit papaano ang mood sa sasakyan lalo pa dahil mag-imikan-dili sila ni Bea.
“Mang Wally, kayo na po bahala,” bilin ni Angelo habang papalabas siya ng sasakyan. “Ingat na lang po kayo sa daan.”
“Yes, s-, ah, este Angelo!” nakangiti at bibong sagot ni Mang Wally na sumaludo pa. “Okay na okay na kami ni Bea. Basta wala lang aso, wala nang problema. Di ba, Bea?”
Maging si Angelo ay napangiti sa sinabi ng lalaki lalo pa’t nagtawanan ito at si Bea ng konti dahil na rin sa huling tinuran ng lalaki. Hindi na lang iyon inusisa pa ni Angelo dahil malamang ay may kinalaman iyon sa kung anuman ang nangyari nang lumabas ang dalawa at nag-jogging. Pero isang dahilan din ng ikinangiti niya ay nang marinig na komportableng tawagin ni Mang Wally si Bea sa pangalan lang nito.
He sees that as a good sign.
“S--, Angelo, anong oras kita susunduin mamayang hapon?” pahabol na tanong ni Mang Wally.
“Depende na lang po,” sagot ni Angelo. “Sabihan ko na lang si Aling Ruby o kayo kung anong oras o kung magco-commute na lang ako. Bea,” tuloy niya sabay lingon sa babae bago saglit na natigilan nang makitang nakangiti ang babae. “Uhm, sabihan mo na lang si Mang Wally kung saan yung gym na sinasabi mo, siya na bahala doon. Kung magka-problema, sabihan mo na lang si Mang Wally o si Aling Ruby, alam na nila kung papaano ako kokontakin.”
Tumango lang muna si Bea saka nito ibinuka ang kanyang mga bibig.
“Salamat.”
‘Ibang klase! Ang babaw din naman ng kaligayahan ng babaeng to!’ ang unang pumasok sa isip ni Angelo ng mga sandaling iyon. Halata kasi ang saya sa mukha ng babae.
Pero bago pa man siya makapag-isip ng talagang isasagot ay may pamilyar na boses ng lalaki na nagsalita mula sa kanyang likuran, sa area ng elevator.
“Jake Angelo Vargas!” bulalas ni Alden, ang second-in-command ng Operations team nila sa Manila at isa sa mga malapit niyang kaibigan sa kompanya. “First time in ages na mas late ka sa akin!” dagdag pa nito.
Lumingon na si Angelo para batiin ang lalaki kaya nakita niyang mabaling ang atensyon ni Alden kay Bea at basta-basta na lang siyang nilagpasan.
“Kaya naman pala eh!” bulalas pa nito nang makalapit kay Bea, close enough at least to not burst her personal bubble. Napansin ni Angelo na medyo nagblush si Bea, dala na rin ng ginawa ni Alden. Maliban kasi sa physical na katangian ng lalaki: matangkad, maputi, at guwapo, na dahilan kung bakit marami ang nagkakagusto rito, sagad pa kung makatitig si Alden kay Bea.
“Hi Miss! I’m Alden. Ang ganda mo! Pwede bang manligaw kahit tumanggi tong mokong na to?” dire-diretso nitong saad na itinuro lang pa si Angelo kahit hindi siya nito tinapunan na ng tingin.
Sa sinabi ng lalaki, mapagkakamalan itong mayabang, pero dahil na rin siguro sa mukha nito, o sa aura, dahil kahit ganito ito magsalita ay hindi nakaka-offend. Parehong sa dating at sa totoong buhay kasi ay mabait ang lalaki.
He was half-waiting for her to respond to that question pero hindi rin iyon nangyari. May isa na naman kasing pamilyar na boses ng lalaki na biglang nagsalita mula pa rin sa likuran nila.
The new arrival, much like Alden, towered over him and is also good-looking pero gaya rin ng naunang lalaki, kahit pa gaano kaseryoso ang dating nito ay hindi naman talaga ito nakakatakot. Seryoso lang talaga ito at ang dating nito.
“I don’t think it’d be a good idea na ligawan ang mapapangasawa ng future CEO ng kompanya,” half-jokingly na ani Elmo.
-----
Bea couldn’t help but release a very grateful breathe nang sa wakas ay nakalabas na sila ni Mang Wally sa parking lot. She never thought being surrounded by three really good-looking men could be that tiring pero iyon ang pakiramdam niya. Para siyang napagod sa halos dalawang minutong interaction lang niya kina Angelo, Alden, at Elmo.
“I really wanted to meet you,” sabi ni Elmo sa kanya matapos ang maikling pagpapakilala na ginawa ni Angelo. “I hoped na isasama ka ni Kuya dito sa opisina but I didn’t really have that high of a hope. Who would have thought…”
“Actually,” simula pa lang ni Angelo nang saluin niya ito.
“Sa gym talaga ako dapat papunta,” aniya.
“Talaga? Wow! How sweet!” nakangiting bulalas ni Elmo and no matter how hard Bea tried, wala siyang ma-detect na sarcasm or innuendos sa tono nito. “Talagang may hatiran pa ha…”
This time, si Angelo naman ang sumagot, much to Bea’s advantage dahil hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin niya sa lalaki.
“Nasa talyer yung isang sasakyan,” anito. “Hindi pa naaayos kaya idinaan na lang muna nila ako dito ni Mang Wally bago sila dumiretso ng gym.”
“Napagod ka Bea?” pukaw ni Mang Wally sa recollection niya. Nang lumingon siya rito at walang nagawa kundi ang mapangiti ay tumawa at napailing naman ang kalbong driver.
“Ganyan talaga,” anito.“Nakakapagod talaga kapag mga kaibigan at kamag-anak na ng mapapangasawa mo ang nakakaharap mo.”
Gusto sanang sabihin ni Bea na wala namang kinalaman iyon sa naramdaman niya at na wala naman talagang kasalang magaganap. She and Angelo had agreed on that at the very least. They’re both opposed to the arrangement at pareho nilang hahanapan ng paraan para malusutan iyon.
Pero sa halip niyon, iba na lang ang ibinoses niya.
“Bakit, Mang Wally, may asawa na po ba kayo?”
“Wala,” mabilis na sagot ni Mang Wally. Nang makita nito ang natatawa at hindi makapaniwalang expression sa kanyang mukha, mabilis itong nagpaliwanag. “Na-imagine ko lang na ganun nga. Bakit, hindi naman impossible di ba?”
Napatawa na lang si Bea.
-----
“Pare, totoo yung sinabi ni Elmo? Ikakasal ka daw kay Bea?” tanong ni Alden right before bumukas ang elevator door sa floor nila.
Bagaman silang dalawa lang naman ang nasa loob ay sinenyasan ni Angelo si Alden na hinaan ang boses bago sila tuluyang lumabas ng elevator. Sa parking lot kasi ay humiwalay na si Elmo pagkaalis na pagkaalis nina Bea dahil may meeting daw ito.
“Huwag ka ngang maingay,” dagdag pa niya.
“So, totoo nga?” patuloy na pangungulit ni Alden na hininaan din naman ang boses.
“Hindi, oo, basta!” sagot niya. “Mahabang kuwento. Saka ko na sasabihin pag naayos ko na lahat ng ‘to.”
Bubukas pa lang sana ang bibig ni Alden para muling magsalita nang biglang may marinig silang pamilyar na boses ng babae na tumatawag sa pangalan niya. Bago pa man siya lumingo ay alam na niya kung sino ito.
“Lexi!”
A few feet away was a tall, slim, beautiful woman holding against her chest a few folders, habang nakatingin at nakangiti sa kanila ni Alden.
“Angelo, sorry talaga nung Sabado ha,” ani Alexis. “Something came up eh. Bawi na lang ako sa’yo.”
“Okay lang yun,” ngiti ni Angelo. “Abangan ko na lang yung bawi mo.”
Ngumiti lang ang babae bago ito dumiretso kung saan man ito marahil dapat papunta bago siya nakita and Angelo found himself smiling back. Ever since the first day he laid eyes on the woman, nagkagusto na siya rito.
“Alam mo,” biglang salita ni Alden na bahagya niyang ikinagulat. Momentarily kasi ay nakalimutan niyang kasama niya pala ang lalaki. “Kapag ako ang nagdala ng napakalaking problema mo sa pamimili between Lexi and Bea, si Bea ang pipiliin ko.”
“Bakit?” tanong ni Angelo na amused, curious, pero mostly ay sinasakyan lang sinasabi ng kaibigan. “Akala ko ba crush na crush mo si Lexi?”
“Yun na nga eh!” bulalas ni Alden. “Crush ko si Lexi, pero pare, feeling ko, mukhang maiinlove ako dun kay Ms. Bea eh.”
“Baliw!” tawa ni Angelo. “Nagwu-wushu yung babaeng yun! Kaya ka nung patumbahin,” dagdag panakot pa niya.
Pero imbes na matakot ay lalo lang napangiti si Alden.
“The more na maiinlove ako sa kanya!” ani pa nito.
Nailing at natawa na lang si Angelo sa kaibigan. “Ewan ko sa’yo.”
“Seryoso ako,” ani Alden. “Basta, kung maayos na yang kung anumang issue sa inyo tapos libre na siya, sabihan mo ako, pare. Manliligaw ako.”
Ang unang sagot na pumasok sa isip ni Angelo ay isang matigas na ‘Ayoko!’ pero pinili niyang ipilig na lang ang kanyang ulo. Tiyempo namang nasa tapat na pala sila ng opisina niya kaya binuksan na niya ang pinto niyon sabay sabing “Magtrabaho ka na nga, panay kalokohan ang nasa isip mo.”
Nagpanggap saglit si Alden na nagtatampo bago ito ngumiti muli at sinabing “Yes sir! Maganda trabaho ko ngayon. Nakaka-inspire eh!”
-----TBC-----
chapter 5!!!
akalain mo! :D