Jun 18, 2007 12:10
grabe...
mating season yata ng mga pusa ngayon, kaya ang ingay ingay ng mga pusa sa bubong namin, kahit madaling araw! eh yung ex-pusa namin heartthrob kaya pinag-aagawan ng mga lalakeng pusa, so sobrang ingay nga diba. so ako, bagong gising, ay kumuha ng insect killer at lumapit sa gate kung san nagliligawan ang mga pusang tinitili ang pag-ibig at intent to f__. feeling ko ninja ako kaya nakatiptoe ako para hindi ako marining, tapos boom! spray ng insect killer sa mukha ng lalakeng pusa. eh "insect" killer nga diba hindi pusa killer, so parang natauhan lang siya sa ingay niya tapos lumipat ng venue kung san mas may privacy. when suddenly...
ang isa naming kapitbahay na lalake, nakadamit ng pambasketball, ay patakbong pumunta sa isa pa naming kapitbahay, at sinabi sa kaawa-awang maybahay na ang kanyang asawa ay na-heat stroke habang nagbabasketball at isinugod na sa hospital
fast forward. nagsimba kami, then went to an internet shop. pagbalik namin, nag-iiyakan na ang mga tao sa tapat ng bahay ng aming kapitbahay. patay na pala si mang daniel. grabe... father's day pa naman...
nanood ako ng pop star kids. ang kinakanta ng isang bata ay never too far away ni mariah carey. siyempre biritera ako kaya todo tili sa isang part. pinagalitan ako ng mama ko kasi masyado daw akong "masaya" habang hindi pa tanggap ng pamilya sa kabilang bahay ang sinapit ng kanilang ama.
grabe...