COCABOBS! BASAHIN!

Aug 29, 2008 06:04

Hi guys! hehe, bigla lang akong nakahanap ng spare time para masulatan kayo at makamusta...

huhuhu, miss na miss na miss na miss ko na kayong lahat. as in sukdulan na hnggang langit. kahit na marami na akong friends sa uste, iba pa rin talaga ang timpla ng barkada natin. minsan nga iniisip ko, sana naging mga tambay na lang tayo na walang mga pangarap sa buhay para lagi tayong magkakasama. kaya lang ang panget naman nun kasi hindi tayo magiging rich at hindi natin matutupad ang pangarap natin na libutin ang mundo. kaya eto, tiis na lang muna ng magkakahiwalay. oh well, ang mga taong UP, at least kayo laging magkakasama. saya. tapos, ang mga taong USTE naman, magkakasama sa AB.

huhuhu, ako lang talaga ang loser face na mag-isa sa nursing. loser me.

ok, enough on the self pity. tinuruan ko na rin ang sarili ko na sulitin na lang ung rare times na magkakasama tayo pag kada overnights para marami akong baong memories na tatagal hanggang sa susunod nating pagkikita.

sa mga nakathesis mode na tulad ko, good luck sa mga buhay natin. kaya natin toh! nadadala ang lahat ng bagay sa kape at sky flakes. pag hindi na toh effective, daanin na lang siguro natin sa alak. 3 rounds lang, solve na ulit.

sa mga mapapalad na may love life, magpakaligaya kayo! pero wag muna kayo magpaparami! masyado pa kayong bata para magpalaki ng isa pang bata. magpayaman muna kayo, bumili ng bahay, lupa at kotse, mag-ipon ng 5 milyong piso at kumuha ng insurance. that way, may panggastos na kayo sa kasal, handaan at pangmatrikula ng mga anak nio.

sa mga tulad ko namang single, magpakaligaya na muna tayo. nagpapayaman pa ang mga soulmates natin para iahon tayo sa kahirapan ng pilipinas at may ipangsagot sa lahat ng luho natin. kaya, be patient na lang muna tayo. siguro, ok lang na magflirt mode in the mean time.

sa inyong lahat, mahal na mahal na mahal ko kayong lahat. alagaan nio yang mga sarili nio. magpapayat kayo o magpataba kayo. bahala na kayo kung alin dun basta siguraduhin nio na lang na wala kayong ginagawang ilegal at hindi kayo magkakasakit. mag-ingat kayo lagi. pag nagcocommute, isuot nio ang inyong mga "tiger look" para walang maglakas loob na gawan kayo ng masama.

hugs and kisses all around! loff you guys! hanggang sa muli nating pagkikita!

Previous post Next post
Up