Love, Life, and Fangirling

Dec 29, 2021 21:33

Matagal ko na rin gusto mag-post tungkol dito. Pero antagal na rin kasi na hindi ako nagpopost dito s a Livejournal ko... Pero sabi ko sa sarili ko na kahit man lang bago matapos ang taon.

kaya andito na ko! Hooray!

Hindi ko exactly alam kung paano magsisimula pero, I guess magsimula na lang ako kung paano nagsimula. Wala nang anecdotes o kung anu-ano pa.

Lezzgo!

Breakups suck! Gets ko na talaga kung gaano sya kasakit. Naiintindihan ko na rin ng lubusan yung mga sinasabi sa mga kantang naririnig ko. Kaya nagkaroon ng time na ayokong mag-isa. Kahit wala kaming ginagawa, sinsamahan ko ang tatay ko sa family room namin. Sya nanonood ng TV at ako, scroll lang nang scroll sa cellphone at nanonood ng mga Youtube videos na nakakakuha ng atensyon ko. At nakuha ng SB19 ang atensyon ko.

image Click to view



For some reason, narecommend ng Youtube ang What? music video ng SB19. Sa totoo lang, di rin ako sure kung paano ko napadpad sa video na yun, pero pinanood ko.

First impression? Well, I wasn't impressed 😅 Sabi ko, parang kpop (na never ako naging interesado), kakaiba ang costumes, at kung anu-ano pa. Pero, nakikita ko pa rin sarili ko na inuulit-ulit ang panonood ng video na yun. Ang naalala ko yung feeling ng goosebumps, yung feeling na nakakaproud. Isa sa mga linya na unang nakakuha ng atensyon ko ay, " Di na bala, para iangat ang bandera ". Ang una kong naisip ang mga school shootings na nangyayari dito sa Amerika, pati na rin ang obsession ng bansang 'to sa mga baril... I know, it's either weird or too deep 😅 but that's what I felt. Pero hindi ko maikakaila na tumatak ang kantang yun sa isip ko kahit gaano ko sabihin na hindi ako impressed.

Hindi nagtagal, nanonood na rin ako ng mga reaction videos ng mga Youtubers, lalo na yung mga foreigners na walang ibang masabi kundi kung gaano sila ka-bilib sa What? music video. Sunod nun yung mga vlogs na mismo ng SB19, at tawa ako nang tawa sa kanila! Napaka-personable nila. At dun na talaga ko nahulog: sa mga personalities nila. Nalaman ko later on na hindi lang pala ako ang nahulog sa rabbit hole ng SB19. Karamihan pala katulad ko na nagsimula sa Youtube suggestions at napapansin na lang namin, 3am na, nanonood pa rin kami ng mga videos ng SB19.

image Click to view



Finally, meron nang nagbibigay sa'kin ng distraction from the painful breakup that I experienced. Pero sa totoo lang, SB19 has been more than a distraction.

Simula nung March, lagi na kong na nonood ng mga videos ng SB19. Around April, nagsisimula na kong mag-explore sa social media na may kinalaman sa kanila. sumali ko ng groups sa Facebook, I followed accounts in Twitter, at kung anu-ano pa. Pero nung May, dun na nagsimula yung journey ko with other fans called,"A'Tin."

May was the start of the voting period for Billboard Music Awards 2021. And you might probably know, SB19 was nominated for Top Social Artist. It was amazing kasi this was the first time that a Filipino musical act and Southeast Asian was ever nominated! And there was me, so proud of my boys!

Yan din ang isa pang dahilan kung bakit SB19 did so much for my life. Ako na andito na sa Amerika for almost ten years, nagkaroon ng jowa na Amerikano, at talagang nasanay na sa buhay dito sa bansang to. Narealize ko na ang thoughts ko lagi na lang English, kahit kapag kausap ko ang pamilya ko, English na rin, at kahit nagsusulat ako laging naka-English. Dahil sa kanila na appreciate ko ulit ang wikang Filipino, andami kong na-discover na bagong OPM, at kahit mga bagong expressions nalalaman ko na. They made me come back to me roots! And I love SB19 for that!

Balik tayo sa BBMAs nomination ng SB19. Dahil dun nagkaroon ng Menpa (Mention Party) ang SB19 na wala akong kaalam-alam. After a member's menpa, a Twitter account called, A'tin International, used the new feature ng Twitter, which is Spaces. I think it's very similar to a podcast but you can invite other people to become speakers with you. At dahil sa kanila, I learned so much about the members, I learned the culture of being an A'tin, and just the whole fandom in general. Minsan, tumatagal ang Spaces ng lima hanggang siyam na oras, at dahil iba ang timezone ko, napapakinggan ko sila ng buo. Di nagtagal, lahat ng mga usual listeners nila nagkakila-kila, and that's how I gained A'tin friends. To this day, they are my friends at talagang family ang turingan namin sa isa't isa.

Ngayon ko lang naranasan ang ganitong community sa isang fandom. Ngayon, naiintindihan ko na ang mga sinasabi ng iba kong fandom and how they found their people, and their community. Sa SB19 at sa Atin ko lang naranasan yun.

Napapansin ko na mas nagiging masaya na mga araw ko. Satingin ko rin ang SB19 rin ang dahilan kaya hindi na ko sad ghurl ngayon. Mas naging okay ako at ang mental health ko. Masnakakausap ko ang mga bago kong friends at kahit mga IRL friends ko mas may connection na kami kasi mga fangirl din sila kahit iba-iba kami ng fandom. Sa totoo lang, dahil nangyari to sakin, natuto na rin ako mag-move on sa ex ko. Narealize ko na bago ko pa sya nakilala, fangirl ako. So, it felt like I was rediscovering myself and my life without him. It was nice kasi parang naramdaman ko na free na ko and myself dahil naging fan ako ng SB19.

Nararamdaman ko rin na ang pagkafan ko ng SB19 ay hindi lang phase. Kasing level sya ng pagkafan ko sa Harry Potter, pang habang buhay. Sa mga naging music based fandom ko, SB19 lang ang nag papagawa sakin ng mga bagay na hindi ko maisip na gawin para sa iba kong fandom. Nakaka-encourage na bumoto para sa kanila, tulungan ang iba pang fans, pansin ko na binabago ko ang schedule ko dahil sa kanila, sila lang ang willing ako magbayad ng napakamahal na shipping fee, at sigurado ko, sila lang ang magpapatravel sakin sa ibang lugar para makita ko sila.

Truth though, I'm just happy. Masaya ko na nakilala ko sila at masaya ko na kasama ako sa pagtanaw ng paglipad nila. Kaya SB19, SLMT. Mahalima, mahal ko kayong lima.


friends, life, love, grateful, blessed, december, music journal

Previous post Next post
Up