Apr 08, 2009 00:39
Isa-isa na silang lumalabas...
At lumabas na rin ang aking pangalawang tres...
Nagpapasalamat nga ako na tres yun kasi hindi naman talaga ako umabot. Buti na lang may ginawa at umabot pa ako. Parang last sem lang, ganun din ang kaso ko. Sabi ko di na mauulit, pero umulit.
Kaya uulitin ko ang aking pangako, wala nang tres [quatro, singko, at inc]. Sana matupad ko yun! Pero kung maulit man ang nangyari, magpapasalamat pa rin ako dahil parang binigyan ako ng libreng pagkakataon para pumasa. Kasalanan ko rin naman yun eh. Siyempre ayoko yung pakiramdam na di ka umabot at aasa ka pa na may gawing milagro para pumasa ka.
Pero kung tres talaga ang makuha ko, eh di mukhang karapat-dapat makuha ko yun. Pero wag naman tayo mag-isip ng ganyan. Mag-aaral na ako! Hahaha yan na naman ang pagkabibo na nakukuha ko pag unang araw ng klase. Tapos mawawala rin yun.
Pero ayun, nangyari na ang nangyari, at nagpapasalamat talaga ako. Makakahinga na ako ng malalim. Hahaha.
ES 12 and Math 114, babanatan ko kayo! XD