Aug 03, 2008 20:07
I couldn't attend my class' geog camp, so I joined a different section.
Berdeis (green team): Kyle [leader], Tim [assistant leader], Raymond, Fred, Christian, Mar, Kevin, Myk, Neil, Max, Rene, Rommel, Wawel, Paul [my classmate in geog1], , me, Abbey, Jek, Knij, Tracy, Yanie, Kat, Ingrid, Dinah, and Kayer. Geog1 WFU1 ni Sir Eman the best!
Rain or shine, tuloy talaga ang mga activities. Tuloy, wet and wild at down and dirty kaming lahat. Hey, I even saw Jeselle run in puddles of mud! Jeselle na "nasira ang beauty". Jeselle getting physical. Hahaha, basta napa-wow ako.
Back to the main topic, I wasn't really excited for it. All I was thinking were the school work that has to be done. When I entered the bus, the facilitator introduced me to our group leader. He seemed very nice fun. Bus ride going there, kinda quiet. But it was the start of our conversations. At our last stop over, we bought lunch and that's where I started talking to the people. Then, I knew that I would get along with these people.
Basically we had lots of games. It was very muddy and cold especially when it rained. Nakabalot sa putik ang paa ko. Kahit saan maputik kaya wala na kaming pakialam. Mud pack na lang kumbaga. Tapos tumatalsik pa yung putik sa legs namin. May mga nadulas so yung pwet may putik. Despite all those, we all had fun. Kahit talo kami, basta enjoy lang! Magaling kasi ang mga berdeis sa balls at konti lang yung games na may balls. We are very green. :D
The best nung gabi na. Umulan nga ng malakas kaya magkasama ang buong team. Bonding session which includes jokes, jokes, and jokes. Tapos naisip namin maglaro ng concentration. Ahahaha, ayun na ang simula ng aming kahihiyan. Unti-unting nabawasan ang mga naglalaro hanggang sa sampu na lang kami. Mga sexy at macho, grabe! Basta game ako sa lahat ng mga ginagawa namin. Masaya naman kasi yung team Berdeis!
The worst part yung tulugan na. 30 minutes lang ang tulog ko kasi sobrang sikip na nakaupo na lang ako at hindi komfortable yung position ko kaya di ako makatulog. Buti may radyo yung phone ko kaya nakinig na lang ako sa kung anuanong kanta. Nagtext pa ako sa mga tao kasi walang ym at bored ako. Tulog mga tentmates ko at di sila yung mga bibbo eh. Sa gitna ng gabi, ayun na, lakas ng hangin at ulan. Pinanood ko lang ang swaying ng tent.
Finally, umaga na. Medyo malayo pala kami sa civilization kasi yung tent namin medyo nahiwalay sa group namin. So habang papunta sa may sibilisasyon, naglakad ako sa mas makapal na putik. Tapos naglaro ng bullshit pero sa sobrang tagal ng game ay pinalitan namin. Concentration ulit! Pero ibang consequence naman. Hehe buti di ako nayari kasi kagabi, tatlo o apat lang ang di nakagawa ng consequence. May mga natulog ng maaga at may isang MVP na di nagkamali. Di namin natapos kasi breakfast na. Pagkatapos ng breakfast, kwentuhan at daldalan na naman. Concentration sana ulit pero walang bagong consequence eh.
Pagkalipas ng ilang mahahabang minuto, next activity na! Masaya yung activity kahit na madulas at "mapanganib". Baka masaya kasi nga ganun! Basta ang green team, magkasama hanggang sa huli!
Pagkatapos nang lahat, pahinga at kain na. Dun nalaman ko na may dalawang ie freshies pala! :> Siyempre kinausap ko naman sila at kinamusta. Sinubukan ko rin na mag-app sila sa iec. So Pia, mukhang may dalawang apps na for second sem! This time, I want to be active na sa mga freshie events. Di ko kasi alam na mga ie freshies pala yun. Nakakatuwa kasi astig yung isa sa kanila.
Tuloy lang ang kwentuhan hanggang sa aalis na kami. Sobrang pagod kaming lahat. Kung magkasakit man, alam namin kung bakit. Pero kahit magkasakit, ok lang kasi ang experience na nakuha ko ay hindi masusukat ng kahit anumang bagay. Gusto ko na tuloy lumipat ng section [no offense to my class! hahaha]. Masaya kasi yung section na nasamahan ko eh. May math nga lang yung time nila kaya di rin ako makaka-sit in. Pero seryoso pati sila gusto akong lumipat. There must be this certain connection that was built during the camp.
Di ko alam kung kelan at paano ko sila makikita muli, pero alam ko na darating din ang araw na iyon. Masaya ako na kahit isang beses man lang sa buhay ko ay nakilala at nakasama ko sila. I'm sorry but I don't like my geog1 class anymore! Hahaha, parang itataboy ko na yung klase ko. Basta, masaya... at pagod. :)