personal: hindi ka makakarelate kung di kita kabatchmate.

Mar 27, 2007 14:28


ITO ANG NAGYAYARI PAG HINDI KAYO DIREKTANG NAG-UUSAP NA MAGKAIBIGAN.
MARAMING NAKIKISAWSAW SA MGA BAGAY BAGAY 
NA SANA NAPAG-USAPAN NIYO NALANG DALAWA.

potanginang pakshet talaga 
yang mga mahilig sumabit oh!

son-of-a-tofu!!

Kaibigan???[Mar. 27th, 2007|01:09 pm]i_pot[Current Mood| angry]
Kaibigan???  teka, alam mo ba ang ibig sabihin ng kaibigan DWEIGHN? ang kaibigan hindi kayang magsalita ng kung anu-ano sa likuran niya! Ang kaibigan totoong tao! Marunong makiramdam!

Ito lang, masakit kasi eh. Naging tapat ako sa iyong kaibigan. lahat ng suporta binigay ko sayo.. may mga taong nagdududa sayo pero nung mga panahong iyon pinagtanggol kita! sa mga oras na nalulungkot ka, ndi ako mapakali dahil inaalala kita.. Nung oras na tila gumuho ang mundo mo dahil nalaman mong nagkatotoo ang ayaw mong mangyayari, putang ina! Gumuho din ang mundo ko nun dahil nasasaktan ka! nung mga oras na may ka date ka at inabuso ka.. alm mong gusto kitang puntahan nun para ilayo ka sa hayop na yun! nakikisympatya ako sa lungkot mo at pag masaya ka, masaya na rin ako.. at Wla kang narinig sa akin ni isang salita kahit pagkatapos na ng masaklap na nangyari sa yo.. sana naman, magpakatotoo tayo. nakakaloko kasi yung mga pinaggagagawa mo.

Kaibigan??? kaibigan ba ang gagawan ka ng BLIND ITEM?? alam kong isa ako sa mga iyon at alam kong nagsinungaling ka nung kinonpronta ka ni gian.. may nagpatunay na na totoo na isa ako sa mga iyon!

at ano, gusto mong mag-usap tayo? para saan pa? para dagdagan yung bigat na nararamdaman ko dahil naging tapat ako sa iyong kaibigan at anung ginawa mo?
simula't sapul, wala akong ginawa sayo maging siraan ka o kung anu pa man at wala kang narinig sakin na kung anung paninira kahit sinabihan mo akong copy cat! nanahimik lang ako pero ngayon hindi ko na kayang balewalain ang mga pangkukutya mo!
 at ito lang, hindi lang ikaw ang may karapatan magkaroon ng talento maging sa pelikula at pagsulat ng tula o kung anu pa man. at ang pride, hindi nakakatulong yan para maging mabuting tao! napakabait ko sayo kahit alam kong sinasaksak mo ako habang nakatalikod!

*sinabihan mo na akong copy cat
*sinugatan mo kaligayahan ko
.... ano pa gusto mong gawin ha???? dadagdagan mo pa ang listahan?

**** AND BEING UNIQUE IS NOT ALL ABOUT HOW PEOPLE SEE YOU,  HOW YOU DRESS AND WHAT KIND OF MUSIC YOU LISTEN TO. IT'S ALL ABOUT HOW YOU MAKE PEOPLE CHANGE INTO SOMETHING THE WHOLE WORLD CAN BE PROUD OF.

ang blind item na tinutukoy niya ang matatagpuan dito: http://tarhata.livejournal.com/99318.html?nc=28

hindi ko kukwestunin kung paano naging mabuting kaibigan sakin si ipot.
ngayon higit kelanman siya ang pinaka-gusto kong maisalba sa "ISYUNG" ito.

siguro dahil alam kong may mga bagay na 
dapat din talaga akong ihingi ng tawad sa kaniya.

pero, hahayaan ko muna si ipot.

mashado pang kumukulo ang dugo nun.
hindi mapipigilan ng isang lindol ang isang
panglindol.

pero pinagdarasal ko pa ding, wag mawalan ng tiwala sakin si ipot.
na sana maging open pa din shang pakinggan ako.
gaya ng mga ginawa niya nung nakaraan.

masakit lang malaman na malapit o kung ndi man eh,
isinuko na talaga niya ko ng tuluyan.

ako, di ko pa sinusukuan si ipot.
wala (pa) akong balak. 
nasa kanya kung isusuko niya ko. 
magkaganun man, i-re-respeto ko desisyon niya.

yung mga gantong bagay mas masahol pa
sa isang break up scene o sa feeling
na sobra kang natatae sabay walang c.r

letche. talaga.

=(
Previous post Next post
Up