tulog

Jul 11, 2007 07:30

isa sa pinakamasarap na gawain ko ay ang matulog. bukod sa fact na halos araw-araw ko medyo narerecall ang mga panaginip ko, nakakatuwa pa dahil ang weird, bizarre at interesting ng mga panaginip ko. tulad nung isang gabi na lang kung saan napanaginipan ko sina otto von bismarck, isang samurai girl at talking whale. mga last month naman napaniginipan ko na may superpowers ako (thanks to heroes na series) at ung isa naman ay tumakas sa preso (thanks lincoln burrows at michael scoffield ng prisonbreak). by the way, i am not on drugs. hehe

mabilis ako makarating sa REM. kahit nga yung mga idlip during the day minsan may panaginip din. mahiga lang ako somewhere dito sa bahay, magigising na lang ako bigla at umaga na. swerte na kung magising ako ng 1-2 hours after.

noong dati ok lang naman. well ngayon lang medyo ang detrimental na niya. dumadalas na.. at naaapektuhan na ang 2 mahalaga sa buhay ko: acads at si albert. hindi na ako nakakaaral ng matino. natamabakan na ako ng chapters na babasahin. palagi na lang ako tulog. kahit nga mismo sa klase na (well onti lang naman natutulugan ko sa klase. hehehe) at dahil nakakatulog ako agad ng walang pasabi, nakakatulugan ko si albert in the middle of a conversation. at wala na nagagawa ang pasensya at nakakatulog ako dahil nauulit na rin naman. haay ang sad :(

gusto ko na magising (figuratively at literally..) tho hindi ko pa alam kung paano. hindi enough ang coffee. :(

albert, acads

Previous post Next post
Up