Jul 19, 2008 22:55
naaaliw naman ako aralin ang anatomy. nakakaaliw isipin ung mga muscles na sumasakit sakin kapag nagkclimb or ung muscles na sumasakit kapag namamaga ng matindi ung kamay ko. nakakaaliw isipin ung mga mechanisms kung bakit natin to nagagalaw. ang galing isipin kung gaano kaintricate ang pagkakagawa sa katawan ng tao. ang galing talaga ni God :D
pero ang hirap lang talaga na kailangan ko malaman/mamemorize ang anatomy ng upper extremities (shoulder, arm, elbow, forearm, wrist) in two days. at hindi lang anatomy ang kailangan aralin. :(
STRESS.
kamusta naman yun. i think kasalanan ko rin naman. dapat ata nag-aadvanced reading. e nakakatulog ako ng maaga palagi pag walang exam. hehehe.
natutuwa naman ako magmed so far dahil nafifeel ko na para dito talaga ako. sobrang stressful pero interesting din (syempre nag-aapply to sa mga lectures na hindi/sandali ko natutulugan hehe) feeling ko naman may silbi ang inaaral ko sa buhay ko at sa gusto kong gawin in the near future.
ang dami ko pa gusto ishare pero andami ko pa kailangan aralin. howel.
shet aral na uli.