Oct 31, 2007 01:18
ok. so how do i start?
kaninang umaga, kausap ko dad ko at pinaguusapan namin ung kapatid ko (julius) na may balak magaral na magdrive. sabi ni dadi turuan daw ng atras-abante ung kapatid ko. mas ok daw kung sa jeep magumpisa.
nung hapon, habang hinihintay ung isa kong kapatid (diko) sa loob ng kotse sa bahay, i figured na magandang chance yun para ituro kay julius ang basic na atras-abante. as in basic lang talaga. tinuro ko ang basic, kung ano ang clutch, nasan ang break, gas, sidemirrors at pati kung paano magshift ng gears sa manual na kotse. sabi ko itry nya magreverse. tas ok na. tas sabi ko "o magbreak kana" sabay hawak sa handbreak. tapos nagumpisa na sha magpanic. tapos imbes na tapakan ang break, tinapakan ang gas....
ayun.
tumama kami sa garage door at sa isang poste. nasira ang likod ng kotse. nawasak ang bumper at nakupi ang likod compartment. pati yung right side ng car may galos din. well ok naman kami, walang sugat. pero ung kotse ay devastated. ako rin.
well i know its my fault. hindi na sana ako nagdunungdunungan sa pagtuturo. nalinaw na sa akin yan ng daddy, mommy at ng kuya ko (na nagfifeeling may-ari ng kotse palibhasa sha lang naman nakikinabang sa paggamit..). pero kasalanan din ng kapatid ko dahil apparently hindi siya nakikinig sa instructions ko nung una pa lang at nagdudunungdunungan siya na kaya niya kahit hindi pa may naman. naiinis ako na parang ako lang ang affected. eh si julius naman talaga ang bulk ng kasalanan kung nakinig ba naman at alam kung saan ang break. ngayon hindi ko alam kung magkano aabutin ung pagpapagawa nun eh currently may issues na magulang ko sa pera... haay.
anyway, yung nangyari kanina ay nakapagdulot sa akin ng matinding surge of emotions: inis. galit. hinayang. awa. at hindi lang iyon. napuno pa ako ng sangkatutak na thoughts tungkol sa maraming bagay. hindi lang kung ano ang nangyari kanina, kundi pati na rin ang mga nangyari na buong sem na hindi ko naman naisip isipin dahil meron akong matinding goal na dapat maabot -- ang laude.
nakakainggit na lahat ng tao off sa kanilang bakasyon, fun fun times with friends na matagal na hindi nakasama, pampering ng sarili, sleeping all day, resting at marami pang iba. ako? nakakulong ako sa bahay. ayaw ako palabasin ng magulang ko. plus hindi ko alam kung anong meron sakin. andami kong issues. and i dont know where to start. naipon nalang sila. may idea ako kung bakit, pero hindi ko naexpect na ganito na sila kadami at magiging ganito ako kaemosyonal..
haay. teka iisipin ko muna ko uli..