i feel so lucky :D

Jul 27, 2007 01:06

...may parents akong very supportive, caring, loving, understanding at very very approachable. kahit na may times na feeling ko ang bratty ko na masyado, ok pa rin sila. (tinatapatan naman nila yun pag hindi ako pinapayagan sa ibang lakad. quits. hahaha)

...may mga kapatid akong mababait sa akin. may nahihiraman ako ng mga gamit, may kasama, kausap, katawanan, kakulitan, kalaro, kaaway (hehe) at maraming marami pang iba. parang may friends na ako forever.

...may relatives na anjan palagi (ang hirap naman idescribe neto.hehe) social support pa rin! hehe. iba talaga ang collectivist culture. hehe :D

...may friends ako na nasesendan ng joke, nagsesend ng jokes, nagpapasaya sa mga random kwento at kahit sa mga ngiti nga lang :)

...may mga close friends ako na nakakasabayan ng trip, nakakausap sa mga bagay na sensitibo pagusapan (hehe), pwedeng share-an ng kahit ano tapos hindi ka ijjudge, pinupuntahan at nakakakwentuhan ng kahit anong ilatag sa ilalim ng araw. kahit nasa ibang bansa pa sila, ibang school, ibang org, may ibang trips at ibang friends, iba pa rin ang comfy, "at home" feeling pag nagusap na kayo uli. ang sarap ng feeling ng walang iwanan.

...may albert sa buhay ko. hindi ko alam kung paano idescribe ang feeling with him. nag-aapply ang all of the above. :) grabe ang sarap sobra ng feeling ng mahalin at magmahal ng sobra :)

maraming salamat God :) i feel so lucky and i feel so loved. :D

happy birthday jolene. hehe :)

20 years of life and love :D

life, love

Previous post Next post
Up