Nov 07, 2008 18:16
buong sem break nagpaka-bum lang ako, nagbasketball ako once, at 'yun lang 'yung only time na may ginawa akong physical activity buong break! hahaha pero kanina, bigla ko na lang na-miss magpakapagod! nakakatamad rin pala maging tamad hehe
so plinan ko na magbasketball or magjogging sana, kaso late na ako natapos sa panonood ng Hana Kimi ;)) mga 5 na, kaya hindi na ako nakapagjogging (pupunta pa kasi akong Marikina Sports Center)... nagbasketball na lang ako sa court namin dito sa subdivisiong namin.
after ng mga 20 mins kong paglalaro, biglang sumakit tuhod ko at ankles ko! haha hindi na ata sanay >< kaya nagjogging na lang ako sa court. naka-15 mins rin ako bago naman nagcramps calf ko D: sa wakas sumuko na rin ako
putek, ganun na pala ako ka-wala sa kondisyon D:
pag-uwi ko, nagpush ups at sit ups na lang ako para naman 'wag ako mabitin sa pagpapapawis ko, at ngayon hinihingal na ako hahaha
BOW.