Feb 21, 2007 16:37
namiss ko lang mag-online entry.. kaya eto, kahit alam kong san damakmak ang mga gagawin ko, sang katutak ang iisipin ko, san dangkal ang babasahin ko, at ano pa ba? hay.. marami pa akong nakakalimutan! sh*t.. panget..
lapit na grad.. sana lang, masabit ako.. diyos ko, kelangan ko po ng inyong grasya..
tama ang ibang tao, mas madaling umayaw. pero sabi nga ng isang taong malapit sa akin, 'ang mga namamatay, kinakalimutan.' wak, natatakot akong mabaon sa ilalim ng lupa. harhar...
hello sa mga tao dyan sa paligid.. pasensya na, medyo hindi pa maayos ang mga makinarya ng buhay ko.. babalitaan ko kayo kapag nakaya ko pang tumayo at lumakad matapos kong pilitin ang sarili ko na gawin ang mga bagay na hindi naaayon sa aking ingklinasyon/hilig. ayon nga kay kant, may moral worth iyon. hmmm..
sige, tama na.. sayang ang mga minuto.. wahaha, parang masarap atang matulog ngaun no?