May 26, 2005 12:38
tula to ng nanay ko...hehe...nagustuhan ko kse may salitang "buwan" sa title...
Pakikipagtalik sa Buwan
Kagabi, sa kaniyang kabilugan,
ako sa kanya’y nakipagtalik:
nakipagharutan, nakipagbulungan,
nakipagkwentuhan.
Ang larawan ng katuwaan
sa imahen niya’y nakaguhit;
salaysay na nakakakiliti,
sinusuklian niya ng mga ngiti.
Subalit nang ang aking mga bulong
ay hinugot na sa dibdib
ang liwanag ay dahan-dahang lumamlam
at sa ulap siya ay nagpalambong.
-auec
Philippine Humanities Review, vol 7