Apr 05, 2009 23:34
my head aches. just thinking about the drastic changes that i`ll be making in the next couple of weeks. i started today. by resigning.
bakit?
isa lang isasagot ko dyan, fed-up. burnout. may mga bagay na minsan akala mo ok pa. kung titingnan walang problema malamang pinilit ko ding ok ang lahat. ang galing at napaniwala ko ang sarili ko dun. pero sabi ko nga, nagtatrabaho ako, para mabuhay. it`s not the other way around.
gusto ko yung trabahong hindi mo ako kailangang pilitin umalis sa pagkakahiga sa kama, yung hindi mo ko kailangang tanungin kung asan na ko kasi madaling-araw ka palang aalis ng bahay. gusto ko ng normal na takbo ng buhay, mahirap mang isipin kung pano ako magsisimula ulit, naaalala ko, may tutor nga pala ako dyan, aalalahanin ko nalang yung ginawa nya nun.
ngayon, talagang taas na lang ang kamay ko. napagod na. ang katarantaduhang sistema na pilit kang pinipikon sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Sino bang gustong umuwi, araw-araw nang mabigat ang loob? diba nakaka-stress yun? ay ewan. nag-iinarte ako nang wala sa panahon. pero naipasa ko na. congrats trish. bum ka na ulit.
malamang, pagsisihan ko din `to pag wala na `kong pambayad sa renta. pero sa ngayon, nakangiti akong naka-petiks sa bahay. bukas, wala ka nanamang pera nyan. tsk.