Nov 28, 2008 06:59
di ako matatahimik hangga't di ko nailalabas 'to.
nawawalan ako. sa dahilang hindi ko alam. sa dahilang ayaw 'kong isipin.
tawag. text. mensaheng mga iniwan. lahat ng paraan. isa na lang ang di ko nagagawa.
di ko alam kung san ko hahanapin.
kapihan.
lost and found.
presinto.
ospital.
eskwelahan.
mental.
nakiusap ako nun, na wag sa ganitong paraan, sabi ko kay doraemon,nung nag-usap kami sa kwarto,madali akong kausap, diba? ayoko lang e yung halos magkagulo kakahanap. nakatanga lang sya sakin. di naman talaga sya sasagot. dahil wala syang buhay.
sabi ko sayo, isa nalang ang di ko nagagawa. wag mong intaying gawin ko yun.
di lilipas ang pasko. ang bagong taon hangga't di ko nalalaman kung ano talaga 'to.
may mali e.
ay eto nga pala piktyur nya o.
pakisabi pag nagkita kayo, nag-iintay ako sa lahat ng kapihan sa cubao.