Sep 23, 2006 06:29
I know this is a common break-up story, it is also common for girls to write what they feel but the difference of the story is that the one who wrote this is a guy. The question is, what is your reflection of his personal character? not your reaction to the story.
***********************************************************
Chapter 3
***********************************************************
SECOND LIFE
Kayakap ka habang papauwi sa inyong bahay… kumain at namahinga at tuluyang nagpaalam ako sa iyo… iyon na pala ang huli… Lumuhod ako sa harap mo at nagmamakaawa sayo at sinabing “Ayokong mawala ka…” pero binale wala mo lang yon..
Tumayo ako sa harap ng bahay nyo na baka sakaling lumabas ka at papasukin at sabihin sakin na sinusukat ko lang ang pagmamahal mo sa akin at para malaman kung gaano kita kamahal at kung susuko na lang ba ako ng ganun-ganun na lamang… Alas tres na ng umaga at talagang wala na… pumapatak na ang ulan pero hindi ito iniintindi… naglakad na ako pauwi habang nababasa sa ulan at hindi iniisip ang layo ng Marikina sa Fairview…
Habang naglalakad paalis sa inyo… habang bumubuhos ang luha sa mukha at pumatak sa bawat madaan… dala ang sakit ng nararamdaman na maraming gumugulo sa isip… dahil maraming beses ka na nag paalam.. bawat paalam ay puno ng luha.. pero di ko nakita na iyon ngayon… nakakapagtataka.
Ginawa ko ang lahat upang bawiin mo ang isinabi mo sakin… ngunit di mo na ako pinapakingan at palaging iniiwasan… Para bang ibang tao ako sayo dahil sa trato mo sa akin… ang sakit isipin na ganoon lang kadali kinalimutan ang lahat ng ating pinagsamahan nating dalawa… saan na kaya ito napunta ?
Ang gulo sa pagiisip ay walang tigil… sa sobrang sakit ng pangyayari… gumuho ang aking kinanatayuang mundo at ngayon hindi ko alam kung saan ako magsisimula ulit… Nabigla ako sa mga pangyayari… dahil ikaw ang mundo ko… ngayon iniisip ko kung paano ko haharapin ang mga umaga darating sa akin na ngayong wala ka na… Naghihintay pa rin kahit wala na talagang pag-asa sa iyo… pero ako ay umaasang paring makakasama ka pa rin…
Hindi ko na nakayanan ang lahat kaya pilit kong tinatakbuhan ko ang lahat at parating umiinom sa gabi… para makalimot at mawala ang nararamdaman ng aking pusong nahihirapan kahit sa sandaling iyon… at iwasan ang katotohanan wala ka na talaga…
Sa sobrang kalungkutan and sa pagdidibdib sa mga nangyari.. naisipan kong magpakamatay dahil sa nararamdamang nag-iisa at wala ng nagmamahal sa akin… itinakas ang baril ng daddy ko… pinagiisipan kong sa loob ng isang lingo kung itutuloy ko ang masamang hangarin… Pero hindi ko na ito itinuloy at isinauli na ang baril sa parents dahil sa takot na ako ay magkakasala and mapupuntang impiyerno…
Sinubukan ko ng magmove-on dala-dala ang hinagpis at pait ng panyayaring nagawa mo.. pero hindi ko magawa at hindi maituloy-tuloy dahil sa labis na pagmamahal sa iyo.
Hindi ko matangap-tangap na umalis ka sa buhay ko ng walng karason-rason… huwag mo din ako sisisihin kung sa dumating ang isang araw an ako ay mapagod na at sumuko sa iyo dahil baka kulang at wala ding rason para pagpahalagahan ka pa sa aking buhay…
Dumalaw pa ako sa inyo matapos ng mahabang panahon at binisita ko pa si Mama… napansin ni Mama na malubha ang aking pakiramdam at may sakit… pinayuhan nya akong magpacheck-up dahil nagaalala din sya sa akin katulad ng Mommy ko… Sinunod ko ang mga sinabi ni Mama… pero hindi ko alam na mamamatay na pala ako kinabukasan at yoon na ang huling pagkikita namin… At hindi ko na matutupad ang mga sinabi ko na “ Hayaan nyo Ma, kapag magaling na ako dadalawin ko kayo at magusap po ulit tayo… ikamusta nyo na lang po ako kay April…”
Dapat wala na ako at patay na noong August 8, 2006 dahil sa depresyon na naiidulot mo sa akin… pero binuhay parin ako ng diyos… ngayon alam ko na ang pakiramdam kapag namamaalam at mawawala ka na sa mundo. Unti-unting lumalamig ang katawan mula paa paakyat pataas ng katawan patungong ulo… at wala ng magalaw at maramdaman… ang tanging ko kayang gawing ay magisip… pero ng mga panahong iyon.. ikaw pa rin ang tanging iniisip at laman ng pagiisip… at dahang-dahang nawala ang lahat at nawalan na ako ng malay…
Nagising ako ay nakahiga ako sa kama sa hospital at maraming nakadikit at nakatusok sa katawan…nanghihina at tanging kayang igalaw ay ang aking mga kamay…
Nagalak ang aking mga kamag-anak ng Makita nila ako gising na at mulat na ang aking mga mata… kinausap agad ako ng doctor at natandaan ang mga sinabi nito sa akin… “ Ang swerte mo kid!... nabuhay ka pa… sobrang rare case ang nangyari sa iyo at ang tibay ng katawan mo… alam mo ba dapat patay ka na? Dahil dapat patay ka na noong seventh day ng makuwa mo and sakit mo… but u exceeded 1 week more than the allotted time period… pero grabe din pala ang epekto at sobrang sama ang ginawa nito sayo… Kung di ka pa nadala sa ER ng morning na yoon… your gone kasi oras na lang ang bibilangin sa iyo…”
Sinibukan ko makatayo o makagalaw man lang… pero di ko magawa dahil hindi nagrerespond ang katawan ko kayat sinubukan ko magsalita ngunit dumugo agad ang gilid ng aking bibig at ang sakit… hindi ko alam isang buwan na pala akong tulog kaya’t nagcontract na pala lahat ng muscle and bones ko sa tagal ng hindi paggalaw.
Habang unti-unting nababawi ang lakas kasabay sa paglimot sa iyo sa buhay ko… subalit hindi ko masunod dahil sa wala talagang rason na paghihiwalay natin datapwat sa lahat ng pangyayari… mahal pa rin kita…
Pero ayaw ko na isipin yoon… dahil sumusuko na ako at pagod na rin umiyak ng dugo ang puso ko ng dugo… ayoko na! Kung nasaktan ka man sa mga pangyayari… mas nasaktan ako… sobra… Dahan-dahang sinusubukan ko na limutan ka ng tuluyan dahil sa isinukli mo at ipinalit sa pagmamahal ko na inihandog at ibinigay sa iyo ng buong-buo..
Pero mawala ka man ng tuluyan… ayaw pa rin sumuko ng puso ko at sinabi sa aking isipan ko… “GAWIN MO NA LAHAT!! HUWAG MO NA AKO ININDIHIN AT PAKEELAMANAN!!! TANGING HILING KO SA IYO HUWAG MO NANG TANGALIN ANG PANGARAP KO NA BABALIK PA RIN SYA!!!”
Napatahimik ako at napatungo at walang masabi at nagulat sa mga isinumbat sa akin ng aking sariling puso…
Pero hindi ko alam kung sino ang aking susundin… ang isip ko na pilit ka nang kinakalimutan dahil sa mga masasamang alaala at karanasan o ang puso kong naghihingalo at pilit na tumatayo at ipinapahihiwatig ang mga magagandang at masasayang alaala nating dalawa? Ewan?... bahala na!!!...
Ngayon… pinupulot ko lahat ng mga piraso sa sahig ang mga alaala nating dalawa at inilalagay sa isang lalagyan at itatabi habang buhay ko tong aalagaan at paghahalagahan… at iniintindi ang mga nangyari at lungkot na nagawa mo sa akin sa kabila ng labis ng hinagpis ng nakaraan…
At ngayon… hindi ko na kayang buksan muli ang aking sarili para sa iba dahil sa sinapit na kalungkutan…kaya, kung sino man ang handang magmahal sa akin at magsakripisyo buuin at tiisin ang sugat na matatamo sa mga bubog habang pinupulot at matyagang idinidikit ang aking nabasag kong puso…
Hindi ko alam kung kaya ko pang magmahal at magtiwala dahil sa takot na maulit ang mga nangyari sakin dati… at maiwasan na masaktan ulit ang puso kong muntikan ng mamatay dahil sa pagmamahal… ayoko ko ng mabigo at masaktan…
Dahil sa pagmamahal ko… marami akong natamong sugat at labis kong ikinahina… hindi pa naghihilom ang mga sugat kong iyon kasi hindi ganoon kabilis gumalng ang makalimot.. kapag ito ay gumaling… alam ko na ito ay magiiwan pa rin ng bakas ng alaala na hindi ko kalian man makakalimutan.
Naalala ko lang dati tuloy ang dati na parati mo sa akin sinasabi at tumatak na sa puso at isipan ko… “HOWE… HANGGANG SA HULI… TAYO HA? WALANG IWANAN… DAHIL NAGMAMAHALAN TAYONG DALAWA… WALANG BIBITAW SA ATING DALAWA… PROMISE? BAWAL MAKIPAGBREAK!!! KONTRATA NATING DALAWA IYAN.. I LOVE YOU HOWE!!! MWUAH!!! MAHAL KITA!!! MAHAL NA MAHAL…”
Sinusunod ko pa rin yung kontratang iyon dahil hindi ako marunong sumira sa usapan…
Nalulungkot lang ako kasi dahil ikaw ang bumitaw… at hindi mo tinupad ang mga sainabi mo at iniwan ako ng walang rason
Kaya pala ako ngayon andito at nagiisa… at walang karamay…
“DAHIL SA PAGMAMAHAL KO MUNTIKAN NA AKONG MAMATAY…”
Jayvee Orfanel
AR4-8
Adv1-7
UST
*******************************************************
for comments you can comment here or directly to him at die_howe@yahoo.com