start the year

Jun 20, 2008 16:22

second year na pala ako... naka-isang linggo at kalahati na. okay lang din naman pala ang second year *sana*. naalala ko lang, marami na rin pala akong kaibigan sa klase namin, kaya masaya na rin.

nung isang araw, nakausap ko yung isa kong kaibigan sa med. tinanong nya ako, minsan ba, nararamdaman ko na parang may kulang? na, oo nga, nag-aaral kami, pero pag hindi na kami nag-aaral o gumagawa para sa org, parang may kulang sa mundo? napaisip tuloy ako ng matagal-tagal... kasi naramdaman ko yun eksaktong isang taon pa lang ang nakalipas. ngayon, mas maayos na ang pakiramdam ko sa sarili ko. sinusubukan ko pa rin itulak ang sarili ko na galingan pa, pero kung hanggang dun na lang, okey lang din. hindi ko na rin ipinipilit ang mga damdaming hindi na talaga dapat pang damahin. masaya na ako sa ganito lang... kuntento na ako sa pag-aaral at pag-aalaga sa pamilya ko. pero alam kong balang araw, mararamdaman ko uli na may kulang. kinakabahan na ako, dahil ayoko rin namang maramdaman yun muli.

masaya ako sa pamilya ko. bagamat paminsa'y may mga problema, ayos din naman kami. masaya din ako sa mga kaibigan ko.

ewan. basta.

bakit nga ba ako napasulat? ah oo nga pala. toxic kasi ako the past few days wehehe. uwian kasi walang tubig sa apartment so... BOO MAYNILAD! 1 buwan na kami halos walang tubig, jerks talaga. nakakapagod din mag-uwian no, pero masaya din naman na kasama ang pamilya so keri lang. toxic pero hindi pa masyado so kebs lang. ang lessons na namin ay patho, para, micro at fammed. anong pangalan ng coursework namin ngayon? biopsychosocial dimensions of illness. hodgepodge of different courses. yeah! makes me wish na sana nga nag-public health na lang ako. ang daya talaga ng pisay... hinarang ang application ko sa public health, pero marami din namang hindi grumaduate ng science courses... haay. noon pa naman, super gusto ko maging medtech. haay uli. naiisip ko lang kasi, e di sana ngayon yakang yaka ko yang mga churvaloo na yan sa micro at para. oh well. masaya din naman ang biochem. hindi nga lang talaga sya ganun ka-suited pang-premed. sige na, i concede... kaya naman pag-iigihan ko lalo ang pagaaral ko para naman kaya ko makipagsabayan. davah. =p

kaya naman wala akong summer emtries ay dahil nagturo uli ako nung summer at nag-uwian din ako. o diba, kinakaya naman ang uwian. medyo toxic. tas nung last few days ng vacation, nagpunta kami ng quezon. ayun. so hindi naman pala ako nag-fall off from the edge of the earth eh. wala lang. konting balita para sa mga naka-miss sa akin. =)

PS. masarap pala *as in!* ang hot chocolate ng CBTL. panalo. forever ko na itong oorderin. just like my cream-based caramel frappe. maaasahan.
PPS. masarap ang naluto kong carbonara. panalo ang carbonara mix ng mccormick.
Previous post Next post
Up