(no subject)

Sep 25, 2006 00:00

wow, kala ko hindi ko na babalikan tong si eljay eh. pero sige na nga, wala naman akong ginagawa, at tinatamad pa akong gumawa ng proyekto, kaya sige, dito na lang muna ako tatambay. wuuuh. umiiwas sa takdang aralin. hahahahaha. ayos ba tagalog ko? tinatamad na akong mag-isip in english eh.

shit, kanina ko lang nalaman na may paper pala na due bukas, for theo. argh. patay. seryoso, theo ang ikamamatay ko, sa aking palagay lang ha. pero ayon.

hay pagod.

hahahaha, may... uhm. may ginawa ako kanina (ops, wag magisip ng masama) pero basta, yung ginawa ko, nakakatawa, kasi nalungkot lang ako. gets ba? bastaaaa. yung alam ko namang malulungkot lang ako pag ginawa ko yun, pero ginawa ko pa rin kasi ganun talaga ako? haaaay.

kaya ayon, mukhang emo night nanaman ito for diw.

heeheehee. okay, ayaw ko muna mag-drama ngayon.

dumdeedumdum. bakit ganun, wala akong maisip isulat ngayon? haha.
Previous post Next post
Up