love?

Jun 24, 2007 20:09

para lang yang bus stop.

maghihintay ka ba hanggang dumating yung bus na hinihintay mo o lilipat ka ng stop?

gaano katagal ka maghihintay?

paano kung, sa tagal mong maghintay, dumaan na yung ibang bus sa ibang stops at wala ka nang ibang masasakyan?

pero paano naman kung lumipat ka na ng stop tapos dumaan pala yung bus na matagal mo nang hinintay doon sa dating stop?

manghihinayang ka ba?

sa huli, ikaw lang ang makapagsasabi kung hanggang kailan ka maghihintay at kung lilipat ka ng stop.

ako, the only time i'll leave this bus stop is if another bus picks me up.

hindi ko alam kung gaano katagal pa ako maghihintay..

kung ilang oras, araw, linggo, buwan o taon pa.

pero sa ngayon, nagdesisyon na muna akong maghintay.

at paninindigan ko iyon, taas-noo at nakangiti. :)
Previous post Next post
Up