Alam mo bang...

May 24, 2007 19:30

Alam Mo Ba?

Na hinahanap ko ang iyong mukha
Sa madlang dagat ng pag-ibig
Pagsisid sa karagatan na puno ng tao
Iniisa-isa ang mga lugar
Na ipinangagarap kong naroon
Ikaw.

Ngunit sa aking pagkaahon,
Di ka pa rin masilayan
Sa madlang dagat ng pag-ibig
At nilamon na lamang ako
Ng tubig sa aking pagkasawi

Hanggang
Muling makita ka
Sa aking paraiso.

Galing, personalized message. I just hope we're in the same frequency. Kilig o inis ba talaga ito? Ahaha. Yihee.
Previous post Next post
Up