Celebrate good times c'mon!

Sep 15, 2009 13:52

September 13, 2009

HAppy Grandparents day!
Happy Anniversary SPCY-SMA! :D

Isang taon na kame ng SPCY. At naisip nameng magcelebrate sa Emmaus Apostolate sa Malolos, isang home for the aged para sa mga lolo't lola na wala nang tumatanggap o kumukuhang kamag-anak na nananatiling aktibo sa pamamagitan ng divine providence. Nagkataon din naman na araw din pala nila talaga. Kaya doble ang saya!



Convoy sa jeep at pick-up.







Bawal kase kumuha ng litrato sa loob ng center, lalo na kung kasama ang mga lolo't lola. Kaya sayang hindi ko maipapakilala sa picture sina Lola Ising - na hindi pa gustong matapos ang hinanda nameng program kase hindi pa daw siya napapagud; si Lola Marciana - na dating choir member sa America, medyo hindi na niya kame iniintindi basta panay lang ang kwento niya; si lola Petra - na 78 years old na halos parati nang naka-wheelchair dahil sa bakal sa paa; si lolo Paeng - na makailang beses nagvolunteer na kumanta; si Lolo Suarez - na kumanta ng Mambo mambo Magsaysay, ang campaign jingle ni former Pres. Ramon Magsaysay Lol; si Lolo Dominador Garcia - naks tunog pang-Tayong Dalawa, pero wag ka inglesero; at saka madame pang iba.

May sobrang natuwa, may naiyak, may umakap, may sobrang galeng sumayaw, si Kuya Jc, may nanghingi ng rosaryo, may panay ang kwento, may tahimik lang, may nagsungit din dahil naubusan sila ng cupcake..sorii! Ansaya din. Dapat pala mga kanta ni Wowowillie ang mga dinala nameng sounds kase medyo hindi nila ma-dig sina Lady Gaga at Wonder Girls eh. :D

Bago umuwi, sumegue kame sa Barasoain church - na napakalapit lang sa Emaus.





































Previous post Next post
Up