(no subject)

Apr 03, 2007 14:33

kumaway ang anino ng dahon mula sa
sinag ng buwan...

malungkot.

mag-isang dinadanas ng poste ang
kalamigan ng gabi...

masalimuot.

nakayakap nga ang kawayan sa kapwa
kawayan...

walang pag-ibig.

humalik ang luha sa pisngi...

poot.

tulad ng pagtingin ng isang taong
lumisan, masakit ngunit nakakaya
niyang tanggapin.

walang kapatawaran.

Previous post Next post
Up