Labo.

Mar 20, 2008 04:13


Kanina nasa isang beauty parlor ako kasama si mama. Pansamantalang iniwan muna ako ni mama dahil magluluto raw siya ng tanghalian. Naiwan kaming dalawa ng bading sa parlor.

Bading: (Habang pina-plantsa ang aking buhok..) Gwapo ba ang papa mo?
Ako: (Iniisip ang itsura ni daddy..) Kamukha ko raw. Haha!

B: Matangkad?
A: (Iniisip pa rin si daddy..) Oo, kasi yung kapatid ko matangkad din eh.

B: Ilang taon na?
A: (Iniisip ang edad ni daddy..) 40+ na sya eh.

A: Naaasar nga un eh kasi sabi nya nakakalbo na raw sya. Eh hindi pa naman. Conscious na conscious sa buhok nya!
B: Bakit napapanot na ba?

A: Hindi naman.. Parang semi-kal lang. Ewan ko ba dun.
B: Ahh talaga.. Madalas ba kayo magkita?

A: (Medyo napahiya ako kasi ngayon ko lang narealize na ang tinutukoy pala niyang "papa" ay ang BF ko, hindi ang tatay ko!) Ngayon hindi na masyado eh kasi nga nagrereview sya para sa board exam.

B: Ay oo nga pala no?
A: ... (Hindi na ako nagsalita.)

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!

Previous post Next post
Up