My New Friend

Oct 31, 2007 10:19

Haay. Patawarin ako ng mga tao dito sa office pero tinatamad talaga ako mag-work ngayon. Dahil..

- Wala naman akong importanteng gagawin.
- Wala naman silang pakialam sa mga ginagawa ko.
- Medyo masakit na ang puson ko.
- Nakakatamad. Ang ibang empleyado ay half-day. Ang iba ay naka-SL. Ang iba naman ay naka-VL. At ang iba ay nasa sementeryo.
- Miss ko na ang digicam ko.

Yep! D-I-G-I-C-A-M (Digital Camera). May sarili na akong digicam sa wakas! Yipee! Ang detalye:

Linggo ng gabi, napanaginipan ko ang digicam ko na pinabili ko sa U.S. Hindi ko pa ito nakikita. Sa panaginip ko, puro gasgas na raw ito at pangit.

Lunes ng gabi, hindi ako nakatulog nang maayos dahil 1) Naiisip kong makakakita ako ng mumu at 2) Naiisip ko kung ano ang itsura ng digicam ko (halong excitement at fear).

Martes, Okt. 30, 2007, 9:45 ng umaga, sinorpresa ako ng aking officemate:

Der: Ay, hindi ko nadala ung digicam mo..
Dar: T______T Excited pa naman ako..
Der: (Sabay abot ng isang bagay na nakabalot.)
Dar: YEHEY!!!

Isang colored Blue na Olympus Stylus 820 ang nakita ko. Eto siya oh:





At simula nung nakita ko yun, nawalan na ako ng gana mag-work. Haha! Gusto ko na umuwi agad simula nung pagkatanggap ko nun, dahil super excited akong ipakita sa mga tao sa bahay ang digicam ko. At syempre, kinalikot agad ng kapatid ko. At,

Okt. 31, 2007, bago pumasok ng office ay testing to the max ulit kami! Nagpakuha ng maraming pictures si mama. Gusto nyo makita? wag na lang! :D

Sinubukan ko rin kunan ang eroplanong napadaan sa ere kaso nabigo ako dahil ang hirap palang maglocate kapag naka-super zoom ung lens at malayo ang kukunan mo, at ambilis pa ng takbo ng eroplano. Nagmukha tuloy ibon ang Cebu Pacific. Pero may alam na akong paraan kung paano ko maka-capture ang isang object na umaandar. Try natin bukas nang umaga. =)

Sinubukan ko rin gambalain ang pusang natutulog sa bubong ng bahay ng kapitbahay namin. Tuwang-tuwa ako sa pagka-powerful ng zoom ng digicam ko dahil kahit malayo yung pusa ay malinaw pa rin yung kinalabasan nung picture. Eto siya o:



Hay can't wait na mag-Pasko na! At New Year! Fireworks! Yipee! Buti na lamang malapit kami sa SM Sucat. May Fireworks Display kapag December. At buti na lamang medyo malapit kami sa NAIA. Araw-araw may eroplanong pwedeng picturan. =)

hobbies, self

Previous post Next post
Up