Sabado OT

Sep 23, 2007 00:30

Tahimik..
Mabilis ang biyahe..
Mainit..
Hindi masyadong magulo..
Pwedeng mag-ingay..
Mabilis ang oras..
Masaya..
Lagot!
(Nakakatakot..)
--------------------------------------------------
Masarap palang pumasok sa office kapag Sabado:
Tahimik sa Ayala Ave.
Mabilis ang biyahe dahil konti ang pasahero papuntang Makati.
Mainit sa loob ng office dahil nakapatay lahat ng aircon. Buti na lang may ek-ek fan.
Hindi masyadong magulo sa building dahil konti lang ang mga empleyado.
Pwedeng mag-ingay sa loob ng office dahil konti lang ang nag-OT.
Mabilis ang oras dahil tambak sa trabaho.
Masaya magpatugtog nang malakas dahil wala namang magagalit (wala ang manager..hihi..).
Lagot! Naurong ung deadline ng isang deliverable ko nang mas maaga!
(Nakakatakot..) dahil hindi lahat ng ilaw ay nakabukas. May mga madidilim lugar. Huhu..

At least may natapos akong trabaho kahapon. Isa na lang! Major OT na ito sa Lunes! 'Till next week! Waah!

Previous post Next post
Up