i get entertained by this

Nov 10, 2006 01:03

i received this spam on my email in the office. i think it's a new version of pride and prejudice...

"we shall often meet, i hope, in hertfordshire."
"yes, she did."
another day i will do the same; i will sit in my library, in my nightcap and powdering gown, and give
"pray, my dear aunt, what is the difference in matrimonial affairs, between the mercenary and
"and if i had not a letter to write myself, i might sit by you and admire the evenness of your
conference with elizabeth related the event of the day before.
been deprived, by the folly and indecorum of her own family!
and beautiful jane and scatterbrained lydia.
elizabeth felt herself completely taken in. she had fully proposed being engaged by mr.
"my dear mr. bennet," replied his wife, "how can you be so tiresome! you must know that i am
and now i hope you are satisfied."
down to whist.
consequence to a father. and if you will stay another month complete, it will be in my power to take
are really angelic; i do not know what to say to you. i feel as if i had never done you justice, or loved
ceremony. if it be not so, let mr. darcy contradict it. besides, there was truth in his looks."
bennet to her daughter's room, in her dressing gown, and with her hair half finished, crying out:
"'tis too much!" she added, "by far too much. i do not deserve it. oh! why is not everybody as
"a thorough, determined dislike of me-a dislike which i cannot but attribute in some measure to
"he did not talk to me of his own arts," said fitzwilliam, smiling. "he only told me what i have
elizabeth would lead the way which the other as politely and more earnestly negatived, she seated
"if your master would marry, you might see more of him."

~

and i think i need to sign up on myspace because i want to see the pictures on this.

just for that.

but i'm thinking about it still because i said i would never sign up and be a myspace whore. i have friendster for that haha.

~

and how i'd die to be that dog.

*salivating*

~



Dear Manay Letty,

May ihihingi akong payo sa iyo kaya sana
mabigyan mo ako ng magandang sagot sa problema
ko. Simple lang naman eh.

Naguguluhan lang kasi ako. Ang fish ball ba ay
bayag ng isda?

O sige hanggang sa muli!

Doc Trina

********************

Dear Doc Trina,

Napaghahalata sa tanong mo na isa kang
malaswang babae, at wala kang nasasa-isip kung
hindi mga itlog ng lalake. Malamang isa kang
pokpok.

Gayun pa man ay sasagutin ko ang iyong
katanungan, dahil mukhang tatanga-tanga ka
talaga. Para sa iyong kaalaman, ang fish ball ay
hindi bayag ng isda.

Sana ay naliwanagan ka sa aking sagot, at
aasahan ko ang iyong muling pagsulat.

Para sa iyo, Doc Trina:
Y.E.M.E.N. - Yugyugan ! Every Morning, Every
Night.

Nagmamahal forever,

Manay Letty

********************

Dear Manay Letty,

Isa akong 38-years old na babae, single at
mayaman. Pagkatapos ng mahabang panahong tigang,
may nanliligaw ulit sa akin ngayon, si Tony.

Mukha naman siyang mabait pero hindi ko siya
masyadong gusto dahil, uhm, pangit siya. Ngunit
sa edad kong ito, nais ko na sanang makapag-
asawa, at baka si Tony na ang last chance ko. Ano
ang aking dapat gawin?

Jogalyn

********************

Dear Jogalyn,

Hu! wag ka nang mag-inarte at sigurado akong
hindi ka naman kagandahan.

Pangalan mo pa lang jologs na jologs na.
Magpasalamat ka na lang at may gusto pang pumatol
sa 'yo kahit guranggutan ka na.

Anyway, hindi mo dapat isipin na si Tony na
ang last chance mo para lumagay sa tahimik,
Jogalyn. Dahil hindi ka naman papakasalan nun,
pera mo lang ang habol niya at iiwanan ka din
balang-araw.

Huwag ka nang mag-ilusyon na makapag-aasawa ka
pa at dapat ngayon pa lang ay tanggapin mo na na
tatanda kang dalaga habangbuhay.

Sana ay napaligaya ka ng aking tugon sa iyong
problema.

Para sa iyo, Jogalyn:
B.A.L.I.W.A.G. - Beauty And Love I Will Always
Give.

Nagmamahal forever,

Manay Letty

********************

Dear Manay Letty,

Isa akong gwapong chickboy at dalawa ang aking
girlfriends. Minsan ay nagkasabay sila sa isang
lugar di ko kasi alam. Tuloy inaaway nila ako.
Ngayon at gusto ng makipag-break. Kaya nga
kailangan ko ang iyong tulong.

Edgar

********************

Dear Edgar,

Walang kwenta ang liham mo kaya ayokong
sagutin. Huwag ka ng susulat ulit dito at
inaaksaya mo lang ang panahon ko, leche ka.

Edgar, dahil ang sabi mo ay gwapo ka, at
mahilig si Manay Letty sa gwapo, ito ang para sa
iyo:

P.H.I.L.I.P.P.I.N.E.S. - Pumping Hot...I Love
It! Please, Please...I Need Erotic Stimulation!

Nagmamahal forever,
Manay Letty

********************

Dear Manay Letty,
Nais kong ikuwento sa inyo ang namagitan sa
amin ng aking itay isang gabi. Hindi ko kayang
makalimutan kahit anong bahagi ng gabing iyon.
Malakas ang ulan noon. Katatapos ko pa lamang
maligo at nakatapis pa lamang ako sa
loob ng aking kuwarto.

Narinig ko si Itay na kumakatok! sa aking
pinto. Nang sagutin ko ang pinto ay sinabi niya
na kailangan daw naming magusap.

Pinapasok ko naman po siya dahil ama ko po siya.
Nagulat na lamang ako nang isarado at ikinandado
niya ang pinto.

Hinawakan ni Itay ang braso ko. Napasigaw ako,
sabi ko "ITAY huwag, anak mo ako!". Ngunit hindi
tumigil ang aking Itay.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginawa. Pumikit
na lamang ako dahil sa ayaw kong makita ang mukha
nang aking tatay sa kababuyan na kanyang
ginagawa.

Naririnig ko si Inay na binubulabog ang pinto.
Sumisigaw na, "Hayop ka wag mong gawin yan sa
anak mo!" Ngunit wala pa rin. Ipinaubaya ko na
lamang ang sarili ko sa Diyos.

Pagkalagpas ng ilang sandali ay natapos din ang
aking Itay. Nang humarap ako sa salamin ay
nagulat ako sa aking nakita.

Magaling naman pala mag-make-up si Itay. Noong
gabi na iyon ay nagladlad ng kapa si Itay. Natuwa
ako at mahusay ang kanyang ginawa. Naisip ko na
matutuwa ang aking boyfriend dahil sa ganda ko.
Nagyakapan kami doon at nag-iyakan.

Masaya na kami ngayon at walang problema.

Lubos na gumagalang,
Badong

********************

Dear Badong,

Wala akong masabi sa liham mo kundi...PANALO!!!

Para sa iyo, Badong:
B.U.R.M.A. - Between Us, Remember Me
Always.

Nagmamahal forever,
Manay Letty

********************

Dear Manay Letty,

Mayroon akong anak na ubod ng landi. Mas makati
pa sa higad ang hitad, wala nang pinatawad, pati
mga magbabalut pinapatulan.

Kung minsan nga'y nahuhuli ko pa sa may gulayan
sa aming bakuran, kasama ang mga tanim naming
talong at upo! Hindi ko na alam ang gagawin sa
haliparot kong anak, hiyang-hiya na ako sa ibang
tao.

Desperate

********************

Dear Desperate,

Itay naman sabi nang huwag na kayong susulat
dito eh!

Malaki na ako, hayaan nyo na ako sa gusto ko sa
buhay. Matipuno naman yung mga magbabalut sa
atin, tsaka friends lang kami nun.

Namatay na nga pala si Tiya Dely, hayun
successful naman ang libing.

Kamusta na si Inay? Utang na loob patigilin nyo
na sa pag-aararo si Inay.

Para sa iyo, Itay:
P.E.R.U. - Phorget Everyone... Remember Us.

At pakisabi kay Daniel, yung magtataho sa atin:
P.A.R.A.N.A.Q.U.E. - Please Always Remain
Adorable, Nice And Quiet Under Ecstacy.

Nagmamahal forever,
Manay Letty

********************

Hanggang dito na lamang po sa linggong ito,
because I'm tired and I'm pretty. Sana ay
antabayan niyo ang mga susunod pang liham na
aming ilalathala dito. Nawa'y magpatuloy ang
inyong pagdulog at pagsulat sa...Dear Manay
Letty.

Ngunit bago ako magpaalam, nais ko sanang mag-
iwan ng isang munting mensahe hindi lamang para
sa lahat ng mga masugid na sumusubaybay sa Dear
Manay Letty, kundi pati na din para sa aking
sarili at sa aking One and Only, na
itatago ko na lang sa pangalang Vanilla Milkshake.

So, para sa inyo, dear readers: L.I.B.Y.A. -
Love Is Beautiful; You Also.

Para naman sa akin: P.A.S.A.Y. - Pretty And
Sexy Are You.

Heto pa isa: E.G.Y.P.T. - Everything's Great,
You Pretty Thing!

At para kay Vanilla Milkshake: I.M.U.S. - I
Miss U, Sweetheart.

Ito po ang inyong Manay Letty na nagpapaalam at
nagsasabing...toodles!

Ikaw ba ay nalulungkot, nababalisa, walang
makausap? Humingi na ng payo kay Manay Letty!

"What else is there to ask for if you have all the best in life?"

chika, la lang

Previous post Next post
Up