Oct 02, 2006 18:41
hangang ngayon wala paring kuryente sa bahay. putangina. naiingit ako sa mga ka-opisina kong me kuryente na chaka naiingit ako dun sa isang kanto malapit samin. sila pa lang ang me kuryente sa barangay namin. anong silbi ng mga barangay tanod na yan lalo na ng gobyerno? pwede bang linis-linisin na ng mabilisan yang mga puno at billboard na nagkalat nang makakilos na rin ang napakakupad na meralco para ayusin yang mga lintik na live wires na yan para naman magkakuryente na noh! potah! anong silbi ng binabayad kong tax ha? para ibulsa nyo lang?! lintik magsikilos nga kayo!
dati ayaw na ayaw ko mamalagi dito sa opisina. ngayon, mas gusto ko na dito kesa sa bahay. ang aga ko pang pumasok ngayon, 2 hours before ng shift ko. ang saya diba. at wala akong ginawa buong weekend kundi tumambay sa mall at paguwi humiga sa kama. bagot na bagot na ko!
sabi ng meralco nung una saturday ng 6am me kuryente na. heller! anong petsa na? kanina naman sabi nila tuesday daw sigurado lahat me kuryente na. hay naku, asa ka pa! hoy, magi-isang lingo na kaming walang kuryente noh! tapos pag tumawag ka sa hotline ng meralco laging busy. anak ng tipaklong naman o. patayin nyo nalang kaya ako?!
chaka shempre, wala ding tubig at wala ding telepono. nagkakatubig lang pag madaling araw na. kumusta naman ang mag-igib ng madaling araw diba? putangina.
isang bagay lang ang kinatuwa ko ngayong araw na ito...
nanalo uste! go uste! :D
***
update as of tuesday, 5am: wala pa ring kuryente!
***
update as of tuesday, 7pm: potah! wala pa ring kuryente!
***
update as of wednesday, 7pm: punyeta! wala pa ring kuryente! sabi sa dyaryo 99% na ang me kuryente. so kami pala yung minalas na 1%. tumawag ako sa meralco, sabi nila ifo-follow up daw nila. sa isip isip ko lang, ULUL! ASA KA PA!
***
update as of thursday, 5am: isang lingo na kaming walang kuryente. hindi na talaga ito nakakatuwa :|
***
update as of thursday, 7pm: wala paring kuryente kasi me billboard na nalaglag sa isang bahay sa me kanto namin. ayaw daw pagalaw ng may-ari ng bahay yung billboard, kelangan daw bayaran muna sya. sira-ulo ba sya!? pagnakita ko yung gagung yun makakatikim ng bugbog skin yun e. kung gusto nya, sya nalang ang walang kuryente! wag na nya kami idamay! leche!
***
update as of friday, 8am: me kuryente na sa wakas! after 8 days me kuryente na din kame salamat naman! nagkaroon sya ng umaga saglit mga 5 seconds tapos nawala uli. tumatalon pa ko chaka sumisigaw nung nagkakuryente na tapos biglang nawala. nalungkot akong bigla. pinasabik lang pala ako. patikim lang. maya-maya after mga 1 hour nagkaroon na uli ng kuryente. hindi pa naman sya nawawala after nun. sana tuloy-tuloy na to.
chika,
la lang