lazy saturday nights

Jul 22, 2006 23:02

alam mo yung feeling na pagkatapos ng rest day mo, tapos papasok ka kinabukasan? pagkagising mo to get ready for work, parang tamad na tamad ka. kelangan mong i-drag ang katawan mo at paa mo para lang makakilos. shet, ganun lagi ang nararamdaman ko. kahit hindi galing rest day, lagi na lang akong tinatamad pumasok. pero mas lalong nakakatamad pag galing rest day o bakasyon. parang feeling ko hindi ko na alam ang ginagawa ko sa buhay ko. parang araw-araw ganun nalang lagi. wala nang nagbago. parang nagtratrabaho ka nalang para sa pera. wala nang drive. hindi ka na masaya.

feeling ko kelangan ko mag-take ng risk. siguradong magiging exciting ang buhay nun kaya lang kung hindi nag-work, wala kang fall back. balik ka sa zero. yun lang ang nakakatakot. pero kung mag-work naman, baka maging masaya ka sa wakas.

ang problema, hindi ko na alam kung saan ako magiging masaya. parang nawala na yung passion. nawala na yung fire.

nung bagong graduate ako, feeling ko kaya ko lahat. feeling ko ang galing galing ko at swerte ang kumpanyang magha-hire sakin. (naks! ang yabang hehe :P) pero nagyon, hindi na ganun ang nararamdaman ko. parang lahat ng aspect ng buhay ko, me kulang.

gusto ko lang malaman kung anong sikreto para maging masaya at kontento. siguro alam ko na yung sagot. matigas lang talaga ulo ko.

minsan nga naisip ko mag-leave ng matagal. sabi kasi ng horoscope ko dati kelangan ko mag-soul search. yun yung sasabihin ko sa opisina. indefinite leave for soul searching. sana ganun lang kadali.



***

and my horoscope says...

You have been suffering from the distance between your partner and yourself, dear Taurus. If you are distressed that he or she is often away, today's planetary configuration will enable you to think about the situation. This aspect of your life is stressful and may be causing accumulated tension. You really should talk to your partner about this.

***

oh and before i forget, happy 1st birthday to my blog hehe :P i guess this is a tribute to you :))

emo, chika, la lang

Previous post Next post
Up