Dec 09, 2006 09:26
Wala na kong maalala pa sa galit na naramdaman ko.
Ang bilis nawala. PAgdating ko sa bahay kagabi, sumalubong sa mata ko ang lola na nakahiga sa upuan. Maputla at nakapikit ang mata pero nakabukas ang kanyang radyo. Payapa naman ang itsura nya kaya naisip ko na hindi na sya masyadong nahihirapan. Inabot ko ang kanyang yayat at kulubuting kamay para magmano. Iminulat niya ang kanyang mata at tiningnan ako sabay pumikit ulit. Mahina na talaga ang lola. Pinili nya na sa amin umuwi pagkagaling nya sa ospital para magpagaling.
Hinanap agad ng mata ko si mommy. Wala sya sa kusina o sa banyo. Bumili pala ng lulutuing ulam na kasundo sa panlasa at panunaw ni lola. Nagtimpla na lang ako ng mainit na tsokolate upang mapawi ang gutom. Ayoko ng kumain ng porkchop na inulam ko kahapon ng tanghali. Naghahanap ang panglasa ko ng bagong putahe.
Hinanap ko agad si gelai pagkapalit ko ng damit. Nandun pala sya sa tindahan nila sa kanto. Amoy usok at gusot ang buhok, akala ko hindi napaliguan. Naligo daw sabi ng ate elen ko. Iniuwi ko sya sa bahay nila upang mahilamusan at mag amoy baybi ulit. Uminom na rin siya ng gatas at naglaro. Pinalipas ko ang oras habang inaalagaan ko siya sa pamamagitan ng panonood ng tv sa cinema one channel. Tagalog ang palabas, Esperanza the movie. Wala na kong maalala sa takbo ng istorya ng teleseryeng iyon kaya naengganyo akong panoorin hanggang katapusan. Ang buhay telenovela, mas pinasakit at pinagrabe kesa tunay na buhay. Lahat ng karakter merong extra ordinaryong lakas at tibay ng loob, lalo na ang bida. Nawalay sa pamilya, iniwanan ng boyfriend, namatayan ng kapatid, nakidnap at marami pang iba. Pero ayun, sinisiw nya lang lahat.
ewan. walang ganyan sa tunay na buhay.