Dec 18, 2005 21:59
I just came back from Payatas and it was pretty much what I expected. There was no running water. Kelangan nila bumili ng tubig kaya paminsan, walang panghugas ng pinggan. Wala rin sponge, bareta at trapo lang ang panglinis ng plato. Sementado ang sahig. Ang kama, simple lang, gawa sa kahoy. Kaso sa liit ng kwarto, di ko kayang humiga ng matuwid. Nagtitipid rin sila sa shellane at wala silang can opener kaya mula sa lata lang ang mga kinain namin at binuksan ito gamit kutchilyo.
My sister, Janet, studies from 6am to 12nn everyday. She's in 4th year high school. From 5pm to 4 am, she works at Montalban dumpsite. She collects cans each night. Its P4/kilo of can. She and her dad only works at night because in the mornings, marami silang kaagaw at nauuwi ito sa away. And there are people who pay the garbage truck drivers for the right to scavange first. they pay 200 to 300 pesos. Janet and her dad earns 50 to 150 pesos each. Nowadays, Janet sells coffee and cup noodles kasi nabigyan sila ng puhunan ni Fr. Paul, a British-Nigerian priest who works in Payatas. Pero nung nandun kami, si Alma, kasama ni Janet, nadulas. So instead of 4 na thermos, 3 na lang ang natira. Parang nun time na un, mahuhulog puso ko, kasi 4 sila na nagtitinda. 600 to 700 kinikita nila. Naging 400 na lang dahil sa kulang sa mainit na tubig!
Tapos when we were supposed to ride a garbage truck to Montalban, kasi ganun sila pumunta kasi P30 ang pamasahe. (Kasi nung gumuho ang Payatas, nilipat sa Montalban ang landfill kaya nawalan sila ng pagkakakitaan kaya dun na sila pumunta.) When we were going to ride, pinigilan ng security guard sa checkpoint. Para sa mga "patapon" na buhay lang raw ang pwede sumakay. Ang sama diba? Hindi naman sila patapon, wala lang sila choice!
Pinakanatouch ako kasi they spend 2 to 3 hours everyday in prayer. (Morning ang evening prater kasi.) Tapos one of their songs go:
This is the air I breathe.
Your holy presence
Living in me.
Hindi ko maisip kung pano nila kayato kantahin given na sa dumpsite sila araw-araw. And dito ko talaga nakita un Face ni Levinas. Ang dami. Kakaiba. At dito na rin ata pinakamatingkad ang mga sinasabi niya. Kung ang mga taong nangangalahig, kaya pa nila magmahal, magmalasakit at maniwala, si Jess na siguro ang nagbigay ng kakayahang iyon.
On my last day there, I was also thinking that surely I'll never be that poor because I am graduating and because of all the relatives and friends I have. Kahit anong misfortune siguro mangyari sakin, tatanggapin ninyo pa rin naman ako bilang maid diba? Un thought na un nakakaguilty. Sobrang pinagpalad na talaga siguro tayo. Nung sinasabi nga nila, pasensya na kasi un lang ang makakaya nila, naiisip ko lang na ako dapat nga humingi ng pasensya sa kanila kasi ako ang hindi nasa posisyon nila.