Jul 07, 2007 15:39
Friends,
Tinatamad na ako mabuhay! Alam niyo ba yon?! Wah. Parang halos lahat nalang ng gawin ko nakakapagod. Alam kong sigurong baliw na talaga ako kase ganito na pag-iisip ko, but kam on! Kahit kaunting pag-hinga lang ay nakakapagod na. Yes, napaka-informal ng blog na to. Hahaha. Di ko rin naisip na sa lahat ng mga maggiging informal blog ko, eto pa talaga. Bakit kaya? Ah. Alam ko na. Kase halos walang nakakaalam nito. Hehehe. Kaya dito ako magpapaka-walang-hiya. Hehehe. My blogspot has become too formal. There isn't much elbow room anymore because it feels as if my entries have to be appealing to my readers since [sa paniniwala ko] maraming nagbabasa nun. Tsaka halos mga puro seryosong post yung andun eh. Hahaha! Ah, well. Buhay artista. Ganyan talaga. Wahehehe! Anyways, ayun. Nakakatamad na talaga gumalaw. Pag minsan nga eh, kahit matulog eh nakakatamad na kase parang ang layo-layo ng kama sa kinauupuan ko. Hahahah! Oo na, baliw na talaga. [Mrs. Miraflor voice] Tunay na baleeew! =))
Anyways, marami pa akong gagawin. Pero tinatamad pa talaga ako gawin yung mga yun. Hay nako. Kakaiba na talaga. Dati sobrang pursigido ako mag-aral T_T Bakit ngayon pa na asa Ateneo na ako--sa college na ako na tinamad na ako? *kamot ulo* Siguro tama nga sinabi nila na pag sineryoso mo masyado ang isang bagay, yung susunod dun, di mo na seseryosohin. Tulad ng blog na 'to. =/ Ack. Di ata naman tama yun. But stiiiillll. Gaaah. Tama na, Lord! ='(
Gusto kong matulog...at matulog nalang ng matulog. Ayoko na mag-isip. Ayoko naaa. *bagsak sa kama*